16/02/2019
Magandang Balita!!!
BYAHENG MAYNILA (TUTUBAN) - MALOLOS PNR Masisimulan na!
Layunin ng proyektong ito na mapabilis ang biyahe mula at patungong Bulacan sa loob lamang ng 35 minuto kumpara sa kasalukuyang biyahe na inaabot ng 1.5 oras. Tinatayang aabot sa 340,000 pasahero ang kaya nitong serbisyuhan araw-araw sa taong 2021.
Ang PNR Clark Phase 1 ay magkakaroon ng sampung istasyon, kabilang ang Tutuban, Solis, Caloocan, Valenzuela, MEYCAUAYAN, Malolos, Marilao, Bocaue, Balagtas at Guiguinto.
Sa pangunguna ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade, kasama sina Japanese Ambassador to the Philippines Koji Haneda, DOTr Undersecretary for Railways Timothy John Batan, PNR General Manager Junn Magno, at mga kinatawan mula sa Sumitomo Mitsui Construction Co. Ltd., at bulacan opisyal nang magsisimula ang actual construction ng PNR Clark Phase 1 ngayon.
🇵🇭
Ctto