15/10/2026
Sobrang saya ko, pero kasabay nito ang napakalalim na lungkot.Ito ang isa sa mga pinakahihintay natin, ang bunga ng lahat ng pinaghirapan nating dalawa. Pero ang sakit isipin na hindi mo na ito nakita,
Gayunpaman, anuman ang plano sa atin ng Ama, naniniwala akong lahat ay may dahilan at para sa ikabubuti at ikatatag namin ng mga anak mo. Kami, na naiwan mo pa rito sa mundo, ay patuloy na lalaban at susubukang maging matatag kahit wala ka na.
Alam kong hindi mo na maranasan ang pagod, hirap, sakit, lungkot, at mga pagsubok sa mundong ito. Pero kami na naiwan mo, araw-araw naming nararamdaman ang sakit ng pagkawala mo. May mga araw na mas mabigat, may mga sandaling hindi namin alam kung paano haharapin ang bawat bukas nang wala ka.
Mahal, sana araw-araw ay bigyan kami ng Ama ng lakas upang kayanin ang bigat sa aming puso at isip. Sana matuto kaming magpatuloy kahit may puwang na sa aming buhay na ikaw lang ang makapupuno.
Hindi ka man namin nakikita at nayayakap, mananatili ka sa aming puso at sa bawat pangarap na minsan nating binuo nang magkasama.
Patuloy kaming lalaban,Para sa mga anak natin, para sa mga pangarap na pinagsaluhan natin, at para sa buhay na alam kong gusto mong ipagpatuloy namin. Miss na miss ka na namin. Mahal na mahal ka namin, hanggang sa muli.