10/08/2026
🚨 HUWAG MONG GAWIN ‘TO KAPAG MAGPAPAGAWA KA NG BAHAY! 🏡🔨
Maraming homeowners ang gumagastos nang malaki pero nauuwi sa problema dahil hindi maayos ang pagpili ng materials at paraan ng pagbabayad sa labor.
Kung pinaghirapan mo ang pera para sa DREAM HOUSE mo, alagaan mo ang bawat piso! ❤️
💡 1. HUWAG SOBRANG MAGTIPID SA MATERIALS
Pintura, tiles, electrical materials, plumbing at iba pang gamit—huwag puro pinakamura ang piliin.
Hindi naman araw-araw nagpapagawa ng bahay. Mas okay ang quality at durable materials kaysa mura nga pero madaling masira at papalitan ulit.
🔨 2. HUWAG BASTA MAGBIGAY NG MALAKING ADVANCE SA KARpINTERO
Kung daily rate ang usapan, bayaran ayon sa napagkasunduang daily rate at sa actual na trabaho.
Halimbawa:
👉 ₱800/day ang usapan
👉 ₱800/day ang bayad
Mas madaling mamonitor ang gastos at attendance kapag malinaw ang arrangement.
💰 3. KUNG PAKYAW ANG LABOR, LINAWIN ANG SCOPE
Kung labor-only ang pakyawan, ikaw ang mas magandang bumili at pumili ng materials para kontrolado mo ang quality at budget.
Bago magsimula, dapat malinaw ang:
✔️ Total labor cost
✔️ Ano ang sakop ng trabaho
✔️ Kailan matatapos
✔️ Ilang workers
✔️ Kailan ang payment schedule
📋 4. HUWAG MAGLABAS NG PERA NANG WALANG RECORD
Itala ang lahat ng bayad—labor, materials, delivery at iba pang gastos.
Kahit maliit na halaga, isulat at i-record.
🏠 REMEMBER, MA’AM!
Ang bahay ay hindi lang isang project na matapos lang.
Pangmatagalan mo itong titirhan.
Kaya dapat maganda, maayos, matibay at sulit ang bawat gastos.
✨ Huwag magtipid sa maling bagay.
✨ Huwag magbayad nang hindi malinaw ang usapan.
✨ At higit sa lahat, huwag mahiya magtanong at mag-monitor sa sarili mong bahay.
Dahil pera mo, bahay mo, investment mo. 🏡❤️
📌 SAVE THIS POST para may babalikan ka kapag ikaw naman ang magpapagawa ng bahay!