29/10/2026
✈️ 𝐂𝐀𝐌𝐀𝐘𝐀 𝐂𝐎𝐀𝐒𝐓 𝐏𝐀𝐓𝐔𝐍𝐆𝐎𝐍𝐆 𝐄𝐋 𝐍𝐈𝐃𝐎, 𝐏𝐀𝐋𝐀𝐖𝐀𝐍, 𝐁𝐎𝐑𝐀𝐂𝐀𝐘 𝐀𝐓 𝐏𝐎𝐋𝐈𝐋𝐋𝐎 𝐈𝐒𝐋𝐀𝐍𝐃𝐒? 𝐏𝐎𝐒𝐈𝐁𝐋𝐄 𝐍𝐀 𝐌𝐀𝐓𝐀𝐏𝐎𝐒 𝐋𝐔𝐌𝐀𝐆𝐃𝐀 𝐒𝐀 𝐂𝐇𝐀𝐑𝐓𝐄𝐑 𝐀𝐆𝐑𝐄𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓
Lumagda ang Camaya Coast at Island Aviation, Inc. sa isang charter agreement noong Oktubre 8, 2026, bilang hakbang para maiugnay ang Camaya Airport sa mas maraming destinasyon sa Pilipinas.
Kabilang sa mga target na destinasyon ang El Nido, Palawan, Boracay, at Polillo Islands. Layunin ng partnership na palawakin ang koneksiyon sa paglalakbay at magbukas ng mas maraming oportunidad para sa turismo.
Gayunman, hindi pa tinukoy sa anunsyo kung kailan magsisimula ang mga flight o kung kailan magiging available ang mga nasabing ruta.
SOURCE: Camaya Coast