27/02/2026
ππππππ πππππ πππππ ππ:
πππππ πππππππππ ππ πππ-ππππ ππππ πππππ ππ πππππππππ
MARIVELES - Lalong umiinit ang turismo sa Bataan matapos pormal na lumagda ang Dusit International at Earth & Shore Leisure Communities Corporation para sa pamamahala ng ASAI Camaya Coastβisang 150-room, sustainable at design-led resort na target magbukas sa 2029 sa loob ng 20-milyong sqm na Camaya Coast development sa Mariveles.
Ito ang magiging kauna-unahang ASAI property sa isang malawak na seaside master-planned community sa Pilipinas.
Ano ang aasahan?
β’ Prime beachfront location na malapit sa dining, retail, water park, 18-hole golf course, at event spaces
β’ Signature ASAI concept: compact but well-designed rooms, vibrant social spaces, at locally inspired experiences
β’ Sustainability-driven design na nakaangkla sa βTree of Lifeβ framework ng Dusit, na magpoprotekta sa natural forest at wildlife sa lugar
Ayon sa datos ng Provincial Tourism Office, umabot sa 1,237,611 bisita ang Bataan noong 2024, o 41% na pagtaas kumpara noong nakaraang taonβpatunay ng mabilis na paglago ng turismo sa probinsya.
Sa patuloy na pag-develop ng Camaya Coast, kasama ang planong Camaya Airport at iba pang leisure at residential projects, inaasahang mas lalo pang dadagsa ang mga turistaβlokal man o dayuhanβsa Bataan.
Isang malinaw na senyales: papalakas ang Bataan bilang pangunahing coastal escape malapit sa Metro Manila.