01/05/2019
Ano ang kaibahan ng Pre Selling at Ready for occupancy (RFO) ?
PRE-SELLING:
Kasalukuyang ginagawa ang bahay habang hinuhulugan ang down payment. Kadalasan natatapos hulugan ang down payment sa loob ng 15 months depende sa developer. Mas nakakamura ang mga bumibili ng bahay sa ganitong sistema dahil karamihan, mas mababa ang halaga ng house and lot kapag kinoconstruct palang ito. Ang bahay ay ginagawa sa loob ng 4-6 months, depende sa laki at design nito. Pagkatapos mong hulugan ang down payment, tapos na din ang bahay na napili mo. Mas magaan ang paraan ng pagbabayad dahil ang balanse ay nagsisilbi ng Rent to Own, nakatira ka sa bahay habang hinuhulugan sa bangko ang balanse ng kabuuang halaga ng bahay.
RFO: (Ready for Occupancy)
Ito ang mga bahay na tapos na o di kaya'y aayusin nalang. Maaari na agad lipatan basta maibigay mo ang kabuuang halaga ng down payment, may loan take out from the bank at complete requirements. Kadalasan ang down payment ay 10% - 20% depende sa developer. Mas mababa ang percentage ng down payment ng isang developer, ibig sabihin mas maganda ang appraised value ng bangko sa house and lot project nito. Ang remaining balance ay huhulugan habang nakatira ka sa napili mong house and lot.
Sa mga OFW, Single o may Pamilya na - this is your time to invest sa Davao.. Sabay po sa build build build project ng ating mahal ng mayor sa Davao at mahal na presidente ng Pilipinas.