16/03/2026
Magandang araw mga ka-Village!
FYI lang!
Kung may mga post kayo sa Page na ito at hindi makita sa wall ay wala pong kinalaman ang Admin at mga moderator sapagka't si Meta po ang nagaalis ng ganitong klaseng mga post.
Mangyaring iwasan na lang po nating mag-post ng may mga kasamang link. O kaya ay kung tungkol sa inyong negosyo ay maaaring magpanibagong post na lang kayo dito kaysa kinokopya lang ang link sa unang na-post niyo sa labas ng page.
At iwasan din po natin ang maglagay ng caption na nagpapahiwatig ng pagbibenta ng kahit anong account, bawal din yan at yong caption na nagpapahiwatig na mabilisang kumita ng pera, niri-restrict din yan ni Meta.
Uulitin ko po, wala pong kinalaman ang Admin at mga Moderator sa mga post niyong nawawala sa wall kundi si Meta po ang nagaalis niya.
Yan lamang po at maraming salamat sa inyong pangunawa.
Pagpalain po tayong lahat.