08/02/2026
Ang Ginto at ang tanso✝️
Ang kahirapan at kayamanan✝️
isa ka rin ba sa naguguluhan kung sinu ang at anu ang paniniwalaan sa dami na ng nag sasabing Diyos at tagapagligtas❓
Sabagay hindi rin naman natin masisi ang karamihan sa kanya kanyang pinaniniwalaan dahil sa tradition na nakamulatan natin pag silang palang,
iyon ang tinatawag na pagsilang bilang laman or Flesh na walang pinagkaiba sa isang kahon ng Ginto.
Bilang isang kahon ng Ginto papano mo masusuri kung ginto ba ang ipapaxok mo sa kalooban mo or baka isa lang yan tanso.
Meron kasi tayong tinatawag na
⏳BODY, - katawan lupa lang natin pag namatay tayo babalik sa pagiging alabok📍
🙏SOUL,- kaluluwa na haharap at mag aantay ng Judgement kung saan ka pupunta kung sa impyerno ba or nakalista ka sa Aklat ng Buhay para sa Langit🫶🏻
✝️SPIRIT, - Ito ay isang Gift from God galing mismo sa Panginoon at Direct binibigay Pag isa kanang mananampalataya kinilala at tinanggap mo ang Panginoon sa buhay mo,❤️
Siguro nahihilo kayo kasi Hindi nya alam kung saan kayo lalapit at sinu ang dapat nyo lang dasalan or luhuran, matagal ng issue yan, mula palang sa Book of Abraham hangang sa huling tumangap ng kasunduan sa Panginoon kaya tayo ngaun at mababasa nalang sa Biblia,
Siguro ang tanong nyo ngaun ay kung papano kayo maliligtas sa impyerno kasi mainit dun, at pano kayo mapapabilang sa Aklat ng buhay❓
Papano makakatanggap ng Holy Spirit or Gift from God❤️ marami kasi satin naniniwala lang sa mga bagay na nakikita, konting himala lang sabihin galing na sa Panginoon, pano ka nakakasigurado na galing yan sa panginoon na ang kaaway natin ngaun ay nagsasakatawan tao na at ginagawa minsan ang ginagawa ng ating Panginoon makuha lang ang simpatya mo at masira lang ang pananampalataya mo sa ating Panginoong May likha,😞
Sabi nga sa Chapter 16-17;
📖 16; Samantala, pumunta ang labing-isang alagad sa Galilea, doon sa bundok na sinabi sa kanila ni Hesus kung saan sila magkita-kita.”
📖 17; “Nang makita nila si Hesus, sumamba sila sa kanya, subalit may ilan sa kanilang may pag-aalinlangan.”
Noong panahon nakakasama pa nila ang Panginoon, nahahawakan, nakakausap ng harapan at kaya mong hilingin or sabihin lahat ng gusto mo, PERO ❓ may mga tao talagang mapanghinala at atobiling lumapit sa Panginoon dala ng kulang sa TIWALA at PANANAMPALATAYA. Sabi nga sa 11, Alagad sumamba sila pero may iba na Nag aalinlangan or nagdududa,
Ang Diyos natin ni Minsan hindi yan Lumitaw ng mayaman or makapangyarihan, papano kung isang araw may kumatok sayo na kabaliktaran sa mga gusto mo, Papasukin mo ba❓pano kung may ginamit lang ang Panginoon para subukan ka? Anu gagawin mo❓
Sabi nga sa Book of
Exodus 15:26
““Kung susundin ninyo ako nang buong puso, ang Panginoon na inyong Diyos, at gagawa ng mabuti sa aking paningin, at susundin ang aking mga kautusan at tuntunin, hindi ko kayo padadalhan ng mga karamdaman gaya ng ipinadala ko sa mga Ehipsiyo, dahil ako ang Panginoon, ang nagpapagaling sa inyo.””
Disclaimer;
Yung lahat po na yan kayang gayahin ng kaaway malinlang lang tayo, may mga tao na sasabihin hindi totoo kasi Libro lang na gawang tao, upo lahat naman po ngaun gawang tao wala pong Hindi, ito lamang ay batayan or isang Patutuo na may Diyos tayong gumagabay satin hangang ngaun, may kanya kanya po tayo ng pamamaraan ng pag tangap at Pagkilala,
Pano ka makipag usap sa Diyos na alam mo❓
Tinuro ba nya sayo kung saan pinto ka dapat Puma*ok❓
Tinuro ba nya sayo kung anu ang dapat mong gawin bago ka nya tangapin❓
Nilagyan ba nya ng ilaw ang landas na tinatahak mo❓
Lahat po yan inihahanda ng Panginoon sa atin dito palang sa Lupa, ganun nya tayo kamahal, ayaw nya tayong mapahamak, kaya tayo mismo kapain natin ang sarili natin, ilang taon kana sa ganyan sitwasyon mo? May maipagmamalaki kaba na nawaga na ng Diyos sayo? Kung wala pa, wag mong hayaan na aalis ka sa mundong ito na wala ka manlang maiiwan kabutihan, May pag kakataon pa po tayo na itama ang mga bagay na mali, magkaroon tayo ng self curiosity kung pano nagiging madali sa iba, buksan natin sa Panginoon ang Puso natin baka hindi mo alam matagal ng kumakatok nag aantay lang Sya na pagbuksan mo,❤️
Choice mo kung saglit mulang sya tatangapin or
Papatirahin muna habang buhay,
Masarap maging isang Mananagumpay🥰
At Masarap mamuhay ng May Diyos sa Puso🥰
Kaya ako alam ko tunay na Ginto ang pinapa*ok ko sa Buhay ko, Hindi tanso🥰
Mahirap ako dito sa lupa pero mayaman ako sa Pananampalataya❤️🙏
Exodus 15:26
““Kung susundin ninyo ako nang buong puso, ang Panginoon na inyong Diyos, at gagawa ng mabuti sa aking paningin, at susundin ang aking mga kautusan at tuntunin, hindi ko kayo padadalhan ng mga karamdaman gaya ng ipinadala ko sa mga Ehipsiyo, dahil ako ang Panginoon, ang nagpapagaling sa inyo.””
Mateo 28:16
“Samantala, pumunta ang labing-isang alagad sa Galilea, doon sa bundok na sinabi sa kanila ni Hesus kung saan sila magkita-kita.”
Mateo 28:17
“Nang makita nila si Hesus, sumamba sila sa kanya, subalit may ilan sa kanilang may pag-aalinlangan.”
Mateo 28:18
“Lumapit sa kanila si Hesus at sinabi, “Ibinigay sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa.”
Mateo 28:19
“Kaya humayo kayo sa lahat ng mga lahi at gawin silang mga alagad ko. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Banal na Espiritu.”
Mateo 28:20
“Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. At tandaan ninyo: Akoʼy palagi ninyong kasama hanggang sa katapusan ng mundo.””