28/10/2024
SA LAHAT NG MGA ALS LEARNERS, PAKIBASA...PARA SA INYO ITO...
Credit to the owner.. Salamat po...(yeth)
Kuya...ate....
Ito kase yung nangyayari..
Nag enrol ka sa ALS... noong una ang sipag mong pumasok... then may kaibigan kang gusto mong tulungang makapasok din sa ALS kaya isinama mo at nag enrol... sabay kayong pumapasok... nakakatuwa nga eh kase lagi kayong sabay... gumagawa ng activities ng sabay... pumapasok ng sabay... kapag absent sya...absent ka din... pero lately madalas na absent ka at present sya.... hanggang nakapag exam... nakapasa sya at naiwan ka... nakagraduate sya at ikaw hindi... Ngayon collge na sya... pero ikaw nandyan pa din...
Hindi ko naman sinasabing KARERA ang EDUKASYON....na may dapat nauuna at nahuhuli o dapat ay may umaangat at may naiiwan sa baba.... ang akin lang... SAYANG kase... nandoon ka na eh... enrolled ka na hindi mo pa tinuloy... pumapasok ka na rin lang, hindi mo pa sineryoso.. gumagawa ka na rin lang hindi mo pa inunawa... hindi naman kase basta enrolled ka at basta pumapasok eh PAPASA ka na sa ALS... tandaan mo... may exam yan... nasa kamay mo kung papasa ka o hindi... sabi ko nga lagi... kapag inayos mo ang sarili mo sa ALS.... ONE TIME BIG TIME ka!
Sasayangin mo pa ba yung pagkakataon at sistema na halos ikaw ang nasusunod at pinakikibagayan dahil sa katayuan mo sa buhay?
Ayaw mo bang sabay kayo ng kaibigan mong aakyat sa entabladong nakasuot ng toga at tatanggap ng diploma?
Sayang kase.... SAYANG...
Credits to original facebook post: Florentina Piniano Labungan Catipon