24/11/2021
THINGS TO KNOW
WHEN BUYING A HOUSE 🏠💕
☑️Budget
- Magkano ba kaya mo monthly? Kung magkano lang kaya mo, doon ka mag-umpisa tumingin.
☑️Required Monthly Income
- Check mo na kaagad kung magkano sweldo mo kase doon lang magbabase kung magkano monthly pwede mo kunin! (pwede combined salary)
☑️Payment Scheme
- Depende ito sa developer, may Pag-IBIG, Bank at In-House financing. Consider mo din ang interest ng bawat isa. Pinakamababa ang Pag-IBIG na nasa 6.375% per year ang interest.
☑️Location
- Consider mo pa rin budget mo. Kung mura lang siguradong malayo sa Manila yan. Consider mo din kung flood-free at walang faultline.
☑️Marital Status
- Laging tandaan ang legalities kapag kasal ka sa papel kahit na hiwalay kayo, sa mata ng batas conjugal property pa din ang lahat ng pagmamay-ari ninyo.
Common Questions:
☑️Saan po ba may mura?
- Sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon, Bulacan at iba pa.
☑️May Rent-To-Own po ba kayo?
- Wala naman talagang rent-to-own. Maglalabas ka rin ng pera sa Equity or Downpayment at yung remaining pwede na ma-loan sa Pag-IBIG or Bank at magmomonthly ka na lang kaya parang rent-to-own ang labas.
☑️May Lipat Agad po ba kayo?
- Kung kaya mo magbayad ng cash maaring makalipat kaagad.
- Kung installment hihintayin mo muna matapos Downpayment, kapag bayad na saka pa lang maprocess sa Pag-IBIG na usually 3-6 months (pwede mo bayaran ng cash ang equity para maprocess agad sa Pag-IBIG.
☑️Kelan pwede makalipat?
- Kung na release na ng Pag-IBIG or Bank ang loan mo.
☑️Ano ang Pre-selling?
- Ibig sabihin nito itatayo palang ang bahay mo, usually 18-24 months construction sa mga affordable or low cost housing. Ang maganda nito mura pa ang price ng bahay kasi wala pang development.
☑️Ano nman ang RFO?
- Ang RFO or Ready For Occupancy, meaning nagawa na ang bahay or ginagawa na halos 50%-100% na gawa. Usually, umaabot pa rin ng 3-6 months ang processing bago makalipat.
☑️May iba ka pa bang tanong? Wag mahiyang magtanong, tulungan kita!