02/02/2023
May kakilala ba kayo na nasanay na umasa sa ibang tao?
Kahit yung simpleng pang-kain o pang-allowance?
O kaya yung mga desisyon sa buhay, career man, sa pag-aaral,
sa pamilya o sa mga kaibigan.
O kahit yung makasama sila palagi.
Kamag-anak man natin, kaibigan o ating kapwa,
yung tipo na kung wala sila, we feel incomplete.
Kung hindi sila makapag-desisyon for us…
“Paano na ako?” ang tanong sa sarili.
Tandaan sana natin, mga KaChink…
WE ARE ALL UNIQUELY CREATED
Meaning to say, we are different from each other.
Physical man ‘yan, our personality, the way we think,speak, and act.
Sabihin man natin na may pagkakapareho in some ways,
pero sabi nga nila, “no single cell is the same with the other.”
Parang kapalaran lang din ‘yan, mga KaChink.
Hindi tayo pare-pareho. Katulad din sa mga talento at skills.
Iba-iba ang ating forte or expertise.
But for sure, these are all important,
nasaan man tayo o sa kung anong situation tayo naroon.
WE HAVE DIFFERENT PATHS TO TAKE
Just like how we were uniquely created,
we also have our own paths to take.
Some people who finished nursing, became registered nurses.
May iba na hindi man nakapagtapos, pero mga successful negosyante.
Ang mga nakapagtapos ng engineering,
may sarili ng engineering firm at may other projects on the side.
Tandaan natin, kahit anong pilit natin na dumepende
sa mga taong close at nakasanayan na natin,
there will always be a time and a season
na mabubuhay tayo nang hindi nakadepende sa kanila.
OUR SUCCESS DEPENDS ON THE DECISIONS WE MAKE
Parang cause and effect lang ‘yan, mga KaChink.
Ang resulta ng gusto nating mangyari sa bawat sitwasyon
ay nakasalalay rin sa ating desisyon at perspective sa buhay.
If we exercise the habit of being positive and proactive
in every situation we go through, we will also reap a good harvest.
Ibig sabihin lang n’yan, kung matututo tayo
na maging indepedent at responsable sa buhay,
yung hindi inilalagay ang future sa kamay ng ibang tao,
I’m sure na tatanda tayong may paninindigan at dignidad.
At sana ay huwag nating kalimutan na…
“Sa sarili lang natin nakasalalay ang pag-unlad o pagbagsak ng ating buhay.
Hindi ito nakabase sa ating mga kamag-anak, kaibigan, o sa ating kapwa.”
-Chinkee Tan. Filipino Motivational Speaker.
THINK. REFLECT. APPLY.
1. Nakasanayan mo na bang dumepende sa ibang tao?
2. To the point na nagiging complacent at comfortable ka na para hindi magtrabaho?
3. May naidulot ba itong maganda bilang isang tao?
===================
Learn and Earn today.
Visit: https://chinktv.com/products/all-access