15/06/2026
Mula sa pagiging full-time employee na may fixed schedule at buwanang sahod, hindi ko inakala na darating ang araw na susubukan kong pasukin ang mundo ng real estate.
Nagsimula ito sa simpleng pangarap—ang magkaroon ng dagdag na pagkakakitaan, mas maraming oportunidad, at mas malaking kontrol sa oras ko. Habang patuloy akong nagtatrabaho bilang empleyado, unti-unti kong natutunan na posible palang magtayo ng isa pang career bilang part-time real estate agent.
Hindi naging madali ang pagsabayin ang dalawang responsibilidad. May mga araw na pagod na sa trabaho pero kailangan pa ring makipag-meeting sa clients, mag-aral ng market trends, at maghanap ng paraan para makatulong sa mga taong naghahanap ng kanilang dream home o investment.
Pero sa bawat client na natutulungan ko, at nakikita ko yong saya nila sa pagkakaroon ng sariling bahay na pangarap nila, dun ko na rerealize na ito pa lang ang simula ng journey ko, para mas marmi pa akong matulongan,mapasaya dahil hindi lang bahay ang inooffer ko kundi Pati tiwala nila, kaya maraming salamat sa pagtitiwala ninyo sakin 🥰🥰
Minsan, hindi mo kailangang iwan agad ang iyong full-time job para simulan ang bagong pangarap. Kailangan mo lang magsimula.
From full-time employee to part-time real estate agent—isa itong journey ng growth, courage, at pagbuo ng mas magandang future. 🏡✨
I'M YOUR AGENT REA AFABLE
Your Trusted Property Specialist
From Hove Team with a ❤️❤️❤️