12/04/2026
“May kilala ka rin bang agent na ang kulit-kulit?” 😅
Ako na ‘yun. 🙋♀️
Aminado ako, isa ako sa mga agent na makulit talaga. Yung tipong follow-up dito, message doon, tawag kahit minsan napapaisip ka na kung bakit hindi ako napapagod.
Hanggang sa may isang client na nagsabi sa akin while signing his Reservation agreement form:
“Ma’am, nagpa-reserve na ako… kasi ang kulit niyo na po.” you're so annoying 😄
Pero alam mo, hindi kami makulit dahil lang gusto naming makabenta.
Makulit kami kasi naniniwala kami sa’yo.
Makulit kami kasi nakikita namin yung future mo.
Makulit kami kasi alam namin na may pangarap ka-bahay para sa pamilya, investment para sa kinabukasan.
Minsan kasi, nade-delay ang plans… hindi dahil walang kakayahan, kundi dahil napo-postpone, napapabukas, napu-push aside.
At doon kami papasok.
Kami yung magpapaalala.
Kami yung magpu-push sa’yo.
Kami yung magiging partner mo sa pagdedesisyon.
Oo, minsan nakaka-annoy kami.
Pero sa likod ng bawat follow-up, may malasakit.
Sa bawat “kulit,” may intensyon na tulungan kang makamit ang pangarap mo.
Hindi lang kami agent.
Kakampi mo kami sa pagbuo ng future mo.
So next time may makulit na agent…
Baka siya na yung tutulong para matupad ang “someday” mo. 💛