21/02/2026
π‘ Paano mapatituluhan kung portion lang ang binili (hindi buong lupa)
π Kung portion lang ng lupa ang nabili mo, hindi pa agad ito pwedeng patituluhan sa pangalan mo hanggaβt hindi nahahati ang mother title.
Eto ang malinaw na guide, π
ππ»Option 1: May Mother Title ang lupa (Pinaka Titulo or Pinanggalingan ng Portion)
Ito ang standard at legal na proseso.
Steps:
Kasunduan sa seller
Dapat pumayag ang may-ari (lahat ng co-owners kung meron) na ipa-subdivide ang lupa.
Subdivision Survey
Mag-hire ng Licensed Geodetic Engineer para sukatin at ihiwalay ang portion na binili mo.
Approved Subdivision Plan
Ipapasa ang plano sa DENR
Deed of Absolute Sale (DOAS)
Dapat specific ang lot number/area ng portion na binili.
Bayad ng buwis
CGT o DST (depende sa agreement), Transfer Tax, at iba pa.
Registry of Deeds
Ire-release ang bagong titulo (TCT) na nakapangalan na saβyo para sa portion mo.
Itransfer din ang pangalan sa tax declaration.
Kumuha bg requirements sa city assessor sa pagtransfer ng tax dec sa iyong pangalan
π Result: May sarili ka nang titulo sa binili mong portion.
β οΈ Option 2: Portion lang ang binili PERO walang subdivision
Hindi pa pwedeng patituluhan
π Kahit may DOAS ka, nakapangalan pa rin sa seller ang mother title
Mataas ang risk (lalo na kung ibenta sa iba o mamatay ang may-ari)
π Advice: Huwag tumigil hanggaβt walang subdivision at sariling titulo.
β Option 3: Tax Declaration lang ang hawak
Hindi proof of ownership
Hindi sapat para makakuha ng titulo
Pero pwede mong iapply ng RESIDENTIAL OR AGRICULTURAL FREE PATENT KUNG NEVER pa ito natitolohan.
Kumuha ng mga lists na requiremnts sa pagpapatitulo sa DENR.
KUmuha ng survey authority
Tawagan nio kami dahil sagot namin yan!!π€£π€£π€£
βοΈ Dapat malinaw ang sukat at boundaries
βοΈ Dapat alienable and disposable ang status ng lupa
βοΈ Dapat may supporting documents kayo na issubmit sa pagaapply ng title
βοΈsumangguni sa pinakamalapit na DENR CENRO