03/01/2026
Right of Way (Easement of Right of Way)
Ang Right of Way ay isang karapatang itinatadhana ng batas na ipinagkakaloob sa may-ari ng lupang walang sapat o direktang daanan patungo sa isang pampublikong lansangan (public road), upang makadaan sa kalapit na lupa, alinsunod sa pinakamaikling ruta at sa paraang magdudulot ng pinakamaliit na pinsala sa lupang dadaanan, kapalit ng pagbabayad ng makatarungang kabayaran (just compensation).
Ang nasabing karapatan ay umiiral lamang kung kinakailangan, at hindi maaaring ipatupad kung may iba namang makatuwiran at sapat na daanan patungo sa pampublikong kalsada.
Batayan ng Batas:
📚 Articles 649–657, Civil Code of the Philippines