07/11/2024
For your info
💁
Hindi kami basta AHENTE LANG.
Yes its true😁
Hindi po totoo na laway lang ang puhunan ng mga ahente 🙂
▪️SUPERMAN - nagiging superman kasi nililipad namin kung saan ang location na ittripping ng kliyente. One call away.
▪️ENGINEER - nagiging engineer bigla kakasukat ng lupa lalo na ang frontage. Kahit hakbang hakbang yan okay na. May dalang metro na akala mo talaga e geodetic. Klngan alam mo ang sukat.
▪️LAWYER - sinasagot namin lahat ng tanong na may kinalaman sa lupa, legal process at legal advice na akala mo talaga e abogado.
▪️PHOTOGRAPHER - picture dto picture dun, may point zero five effect pang nalalaman.
▪️VIDEOGRAPHER- bidyo dto bidyo dun kahit blured ayos na.
▪️WRITER/EDITOR - Lahat ng detalye ng lupa, bahay at condo nilagay na sa caption ng binebenta kahit wrong spelling with matching initial pa ng pangalan ng ahente at smiley sa dulo.
▪️CASHIER - taga bilang ng bayad ng buyer, may bantay sa tabi taga double check kung may binulsa, binarat na nga may trust issue pa😒
▪️TEACHER - lahat sila, madam at sir ang tawag sa amin. Hindi naman board passer BSeduc si inday. ha ha ha
▪️FAMOUS - RD, Capitolyo, munisipyo, Brgy at Cenro kilala na kami kakakuha ng verification Docs para sa client. Kasi kasi kat cruz ka. Char.
▪️ERNIE BARRON - kailangan alam namin kung bumabaha sa area at faultline
Kasi pag namali, galit si client na akala mo e control namin ang weather. Ginawang weather forecast si inday.
▪️MAPA - isa kaming mapang gumagalaw kakagoogle ng location. Ginawa aoong kapatid ni dora the explorer.
▪️ANNOUNCER - inaanounce sa peysbuk yung kapwa ahente na by passer. Ginawang rated k or kmjs announcer si inday.
▪️ZOMBIE - di natutulog kakareply sa client, tapos di bibili
Just for fun lang po. We are all giving an excellent service to all our dear clients, bibili man sya or hindi, we are all trying our best. Salute to all Agent na d napapagod 💪🙏
.
.