Pagpapalaganap at Pagmamalaki sa kulturang Pilipino

Pagpapalaganap at Pagmamalaki sa kulturang Pilipino Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Pagpapalaganap at Pagmamalaki sa kulturang Pilipino, Real Estate, Pandan.

Kahit saang sulok ng mundo, kilala ang Pilipinas hindi lang sa natatanging tanawin kundi maging sa magagandang kaugalian...
26/10/2022

Kahit saang sulok ng mundo, kilala ang Pilipinas hindi lang sa natatanging tanawin kundi maging sa magagandang kaugalian ng mga Pilipino. Sa katunayan nga, itinuturing ng mga banyaga na “Most Hospitable” locals ang mga Pilipino dahil sa magagandang asal nila. Dito mo masasabi na talagang pinag-iingatan ng mga Pilipino ang kahalagahan ng kultura.

Bayanihan

Pagsasabi Ng “Po” At “Opo”

Panghaharana

Hospitable

Lubos na paggalang sa matatanda

Pagmamano

Relihiyoso

Palabra de Honor

Pamamanhikan

Pakikisama

SelebrasyonLikas sa mga Pilipino ang pagiging masayahin kahit pa sa oras ng problema, nakukuha pa rin ng mga Pilipinong ...
26/10/2022

Selebrasyon

Likas sa mga Pilipino ang pagiging masayahin kahit pa sa oras ng problema, nakukuha pa rin ng mga Pilipinong ngumiti at tumawa. Dahil sa magandang kaugalian na ito ng mga Pilipino, hindi na nakapagtataka na bawat sulok ng Pilipinas ay may kani-kaniyang piyesta o selebrasyon na malaking bahagi ng kultura ng Pilipinas. Dito ay mababatid mo na kung ano ang kultura para sa mga Pilipino dahil sadyang mapagpahalaga sila sa mga kaugalian at tradisyon. Ang mga ito ay pagdiriwang para sa mga santo o pagpapasalamat para sa masaganang biyayang ipinagkaloob sa kanila. Ang ilan sa mga sikat na piyesta sa Pilipinas ay ang:

Sinulog Festival – Cebu

Ati-Atihan Festival – Aklan

Dinagyang Festival – Iloilo City

Pahiyas Festival – Lucban, Quezon

Panagbenga Festival – Baguio City

Lechon Festival – Batangas

Kadayawan Festival – Davao City

MassKara Festival – Bacolod

Tuna Festival – General Santos City

Higantes Festival – Angono, Rizal

Pagdating sa kultura ng Pilipinas sa pananamit, laging nakasunod sa uso ang mga Pilipino. Pero noong unang panahon, ang ...
26/10/2022

Pagdating sa kultura ng Pilipinas sa pananamit, laging nakasunod sa uso ang mga Pilipino. Pero noong unang panahon, ang tradisyonal na kasuotan ng mga Pilipino ay Baro’t Saya para sa mga babae at Barong Tagalog o Camisa de Chino para sa mga lalaki. Ngayong makabagong panahon, naiba na ang kultura sa pananamit bunsod ng mga bagong nauuso. Sa kabila nito, hindi pa rin nawawala sa isipan ng mga Pilipino ang kahalagahan ng kultura sa pananamit.

Kulturang Pilipino: Alamin at Kilalanin ang Mayamang Kultura ng Pilipinas Mababakas ang mayamang kasaysayan ng Pilipin...
26/10/2022

Kulturang Pilipino: Alamin at Kilalanin ang Mayamang Kultura ng Pilipinas





Mababakas ang mayamang kasaysayan ng Pilipinas sa nakaraan, at hindi lang ito makikita sa mga sikat na museo sa bansa dahil kung iyong pagmamasadan at susuriing mabuti, Kulturang Pilipino ang sumasalamin at nakadadagdag ng ganda sa bansang Pilipinas.
Ang kultura ay ang pagsasalin-salin ng tradisyon ng isang tao o komunidad. Ito ay pinaghalong tradisyon ng mga bansang sumakop at mga katutubo.

Mga Kultura ng Pilipino

Mula sa mga tradisyon na nagmula sa mga kulturang Tagalog, kultura ng Kapampangan, o kultura ng mga Bisaya, talagang napakayaman ng Pilipinas. Narito ang listahan ng mga Kultura ng Pilipino na hanggang ngayon ay buhay na buhay pa rin.

Address

Pandan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pagpapalaganap at Pagmamalaki sa kulturang Pilipino posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category