23/05/2026
๐๐ฎ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ป ๐ฃ๐ฎ ๐ฅ๐ถ๐ป ๐๐ฎ ๐๐ป๐ด ๐๐๐ฅ ๐๐น๐ฒ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ฐ๐ฒ ๐๐ฎ๐ต๐ถ๐ ๐๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐๐๐ข๐? ๐
Iniisip ng marami, kailangan lang ng DAR clearance kapag CLOA o Emancipation Patent ang title ng lupa. Kaya kapag nakita nilang OCT o TCT ang title ng isang agricultural land, iniisip nila: "Regular title naman 'yan, hindi na kailangan ng DAR clearance."
Ang assumption na 'yan? Puwede kang ipahamak.
โ๏ธ ๐๐ป๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฆ๐ฎ๐ฏ๐ถ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ฎ๐?
Ayon sa R.A. 6657 (Comprehensive Agrarian Reform Law), na in-amend ng R.A. 9700, kailangan ng DAR Transfer Clearance sa ๐ญ๐ข๐ฉ๐ข๐ต ng sale o transfer ng agricultural land โ CLOA man ang title, EP, OCT, o TCT.
Sa mga DAR Administrative Orders, dalawa ang classification ng agricultural land:
โข ๐๐๐ฎ๐ฟ๐ฑ๐ฒ๐ฑ ๐๐ฎ๐ป๐ฑ โ covered ng CLOA o EP (mas mahigpit ang rules, kasama ang 10-year holding period)
โข ๐ข๐๐ต๐ฒ๐ฟ ๐๐ด๐ฟ๐ถ๐ฐ๐๐น๐๐๐ฟ๐ฎ๐น ๐๐ฎ๐ป๐ฑ (๐ข๐๐) โ lupang may OCT/TCT na ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช na-distribute sa agrarian reform, kasama ang retained areas at lupang hindi pa na-acquire under CARP
Pareho silang nangangailangan ng DAR clearance bago i-register ang sale.
๐ ๐๐ฎ๐ธ๐ถ๐ ๐ ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐ด๐ฎ ๐๐๐ผ?
Vine-verify ng DAR Transfer Clearance kung:
โข Hindi lalampas sa 5-hectare ownership ceiling ang total agricultural landholding ng buyer pagkatapos ng purchase
โข Walang Notice of Coverage o pending na agrarian case sa lupa
โข Na-respeto ang right of pre-emption o redemption ng agricultural lessee
โข Hindi nilalabag ng transfer ang objectives ng CARP
Kapag walang clearance na ito, ๐๐ข๐ณ๐ฆ๐ฉ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ณ๐ฆ๐ฒ๐ถ๐ช๐ณ๐ฆ๐ฅ ang Register of Deeds na tanggihan ang registration ng deed. At higit pa riyan โ pinagtibay ng Supreme Court na puwedeng i-cancel ng DARAB ang mga deed of sale at TCT na ginawa nang walang DAR clearance.
Isipin mo: nagbayad ka ng milyon-milyon sa isang property, tapos void pala ang sale. Hindi masaya, di ba?
๐ก ๐๐ป๐ด ๐๐ผ๐๐๐ผ๐บ ๐๐ถ๐ป๐ฒ
Kapag classified na agricultural ang lupa โ kahit CLOA, EP, OCT, o TCT pa ang title โ kumuha muna ng DAR Transfer Clearance ๐ฃ๐ข๐จ๐ฐ i-close ang deal. Hindi puwedeng i-skip 'to. Legal requirement ito, at kapag hindi sinunod, parehong buyer at seller ang maaapektuhan.
Kung may pagdududa, kumonsulta sa Municipal o Provincial DAR Office, o humingi ng tulong sa isang qualified na abogado.
๐ ๐ ๐ด๐ฎ ๐ฅ๐ฒ๐ณ๐ฒ๐ฟ๐ฒ๐ป๐ฐ๐ฒ
โข R.A. 6657, as amended by R.A. 9700 (CARL/CARPER)
โข DAR A.O. No. 6, Series of 2016
โข DAR A.O. No. 1, Series of 2019
โข DAR v. Robles, G.R. No. 190482, December 9, 2015
๐ Follow Phil. Property Expert for more discussions like this.