1976 EAE Corp - Construction service and Engineering company

1976 EAE Corp - Construction service and Engineering company We provide quality construction, engineering, and architectural services at a very affordable price.

🚨 ₱200,000 LANG ANG BUDGET MO? HUWAG MO AGAD I-RENOVATE ANG BUONG BAHAY (Basahin worth it ito)REAL TALK:Maraming homeown...
30/09/2026

🚨 ₱200,000 LANG ANG BUDGET MO? HUWAG MO AGAD I-RENOVATE ANG BUONG BAHAY (Basahin worth it ito)

REAL TALK:
Maraming homeowners ang nagkakamali dito.

Akala nila kapag may ₱200,000, kaya na agad ang full renovation.

Hindi. 😬

Pero kung tama ang priorities, puwede mong gawing mas maayos, functional, at presentable ang bahay.

For a basic renovation, a possible budget breakdown could look like this:

🏠 EXTERIOR IMPROVEMENTS — ₱20,000–₱30,000
• Minor exterior repairs
• Repainting
• Basic façade improvements
• Minor roof repairs

🎨 INTERIOR PAINTING — ₱25,000–₱35,000
• Walls and ceilings
• Labor + basic paint materials
• Depende sa floor area at condition ng walls

🏡 FLOORING — ₱30,000–₱40,000
• Ceramic tiles or vinyl flooring
• Puwedeng sala/kitchen muna ang unahin
• Cost depends heavily on area and material

🍳 BASIC KITCHEN UPGRADE — ₱35,000–₱45,000
• Simple countertop
• Sink + faucet
• Basic cabinet repair/refacing
• Hindi pa kasama ang high-end built-in cabinets/appliances

🚿 BATHROOM IMPROVEMENT — ₱30,000–₱40,000
• Basic tiles
• Toilet
• Lavatory
• Shower fixtures
• Minor plumbing work

💰 CONTINGENCY — ₱20,000–₱30,000
Para sa mga unexpected expenses tulad ng hidden leaks, damaged plumbing, electrical issues, additional labor, at material price changes.

⚠️ PERO ETO ANG IMPORTANTENG REAL TALK:

Hindi ibig sabihin na ₱200K = automatic ₱200K worth of renovation.

Kung may major structural damage, extensive electrical/plumbing problems, roof replacement, waterproofing, o malaking demolition, puwedeng lumampas agad ang budget.

At kung gusto mong pagsabay-sabayin ang kitchen + bathroom + flooring + painting + exterior, kailangan talagang kontrolado ang scope.

Mas magandang approach:
👉 Fix the problems first.
👉 Improve the most visible areas second.
👉 Upgrade aesthetics last.

₱200,000 can make a big difference — pero hindi kapag walang plano.

📌 Note: These are rough planning estimates for a basic residential renovation in the Philippines in 2026, not a fixed quotation. Actual costs vary depending on location, floor area, labor rates, existing condition, and material specifications.

Kung ₱200K lang ang hawak mo, saan mo unang ilalagay ang pera?
🏠 Exterior
🎨 Painting
🍳 Kitchen
🚿 Bathroom
🏡 Flooring

Comment below. 👇

Client meetingAmadeo Cavite🙏
26/09/2026

Client meeting
Amadeo Cavite🙏

🔴 MAGPAPAGAWA KA NG BAHAY? (WORTH TO READ MEJO MAHABA LANG. IT MIGHT SAVE YOU MILLIONS).Noong nagpagawa ako ng bahay, ak...
24/09/2026

🔴 MAGPAPAGAWA KA NG BAHAY? (WORTH TO READ MEJO MAHABA LANG. IT MIGHT SAVE YOU MILLIONS).

Noong nagpagawa ako ng bahay, akala ko basta may magandang plano, maayos na contractor, at sapat na budget, okay na.

Mali pala.

May mga bagay na maliit lang sa umpisa pero kapag hindi mo napag-isipan, malaking gastos at sakit ng ulo later.

Kaya kung nagpaplano kang magpagawa ng bahay, eto ang 10 bagay na sana mas pinag-isipan ko noon.

1. Huwag ubusin ang buong budget sa construction.
Kung ₱2M ang budget mo, huwag mong planuhin na eksaktong ₱2M ang magagastos. Laging may dagdag na gastos—materials, delivery, labor, repairs, at mga biglang pagbabago.

Magtabi ng 10–20% emergency budget kung kaya.

2. Unahin ang magandang floor plan, hindi ang magandang itsura.
Maganda nga ang bahay sa labas pero masikip naman sa loob.

Isipin muna:
✅ Saan dadaan ang tao?
✅ Maluwag ba ang kitchen?
✅ Tama ba ang laki ng rooms?
✅ May sapat bang storage?

Tandaan: Araw-araw mong gagamitin ang loob ng bahay.

3. Pag-isipan kung saan sisikat ang araw.
Ito madalas nakakalimutan.

Kapag mali ang pwesto ng windows at rooms, pwedeng sobrang init ng bahay sa hapon.

Bago mag-build, tingnan kung saan nanggagaling ang araw at hangin.

Mas magandang bahay ang maliwanag at mahangin kaysa bahay na laging naka-aircon.

4. Huwag tipirin ang drainage at waterproofing.
Hindi exciting pag-usapan pero sobrang importante.

Mas madaling palitan ang pintura kaysa ayusin ang:
💧 tumutulong bubong
💧 basang pader
💧 baradong drainage
💧 tubig na pumapasok sa bahay

Tubig ang isa sa pinakamalaking kalaban ng bahay.

5. Maglagay ng maraming electrical outlets.
Isa ito sa madaling pagsisihan.

Isipin mo agad kung saan ilalagay ang:
TV, refrigerator, aircon, computer, WiFi, appliances at chargers.

Mas mahirap at mas mahal magdagdag kapag tapos na ang bahay.

6. Huwag piliin ang contractor dahil siya lang ang pinakamura.
Mura ngayon, pero baka doble gastos mo later.

Check muna:
✅ Previous projects
✅ Quality ng gawa
✅ Reviews o feedback
✅ Clear na quotation
✅ Written agreement

Hindi lahat ng mura, makakatipid ka.

7. Linawin lahat bago magsimula.
Dapat malinaw kung ano ang kasama sa presyo.

Kasama ba ang:
Tiles? Paint? Electrical? Plumbing? Doors? Windows? Fixtures?

Maraming problema nagsisimula sa:

"Akala ko kasama na yan."

Kaya dapat nakasulat lahat.

8. Huwag basta pili ng materials dahil maganda tingnan.
Tanungin din:

Matibay ba?
Madaling linisin?
Madaling palitan?
Available ba locally?

May materials na maganda sa picture pero hindi practical sa totoong buhay.

9. Bisitahin ang construction habang ginagawa.
Huwag hintayin na matapos bago ka mag-check.

Mas madaling itama ang mali habang ginagawa pa.

Kapag natakpan na ng tiles, kisame o pintura ang problema, mas mahirap na itong ayusin.

10. Isipin ang bahay na gagamitin mo 5–10 years from now.
Huwag lang isipin ang kailangan mo ngayon.

Baka magkaroon ng:
👶 Anak
👵 Matandang kasama
🚗 Additional car
💻 Work-from-home setup
📦 More storage

Mas mura ang magandang planning ngayon kaysa mag-renovate agad after ilang taon.

🏠 Ang bahay ay hindi lang tungkol sa magandang design.

Dapat ito ay matibay, practical, comfortable at pasok sa budget.

Kung may isang advice akong ibibigay:

👉 Huwag magmadali sa planning.

Mas okay gumastos ng extra time bago mag-build kaysa gumastos ng extra hundreds of thousands para ayusin ang maling desisyon pagkatapos.

Ikaw, ano ang isang bagay na sana nalaman mo bago ka nagpagawa o nag-renovate ng bahay?

Share mo sa comments para makatulong din sa ibang future homeowners. 👇

Retirement House Tagaytay Project. Malapit na matapos. Thank you Lord 🙏
23/09/2026

Retirement House Tagaytay Project. Malapit na matapos. Thank you Lord 🙏

🏠 MAGPAPAGAWA KA NG BAHAY? HUWAG AGAD MAGTIWALA SA PINAKAMURANG CONTRACTOR. (Worth to read mejo mahaba lang. )Hindi laha...
19/09/2026

🏠 MAGPAPAGAWA KA NG BAHAY? HUWAG AGAD MAGTIWALA SA PINAKAMURANG CONTRACTOR. (Worth to read mejo mahaba lang. )

Hindi lahat ng mababang presyo ay makakatipid sa’yo.

Minsan, mura sa umpisa… pero mas mahal ang problema sa huli. 😬

May mga contractor na magaling magsalita at mabilis magbigay ng quotation. Pero kapag nakapag-downpayment ka na, biglang mahirap na kausap, delay ang trabaho, kulang ang tao, o worse… hindi na nagpapakita.

Kaya bago ka maglabas ng malaking pera, ito ang mga dapat mong i-check:

✅ 1. Check their previous projects.
Huwag puro pictures lang sa Facebook. Ask kung may actual finished projects silang pwede mong makita.

✅ 2. Ask for complete business details.
Dapat malinaw kung sino ang kausap mo, pangalan ng company, office address, contact details, at mga kailangang business permits o licenses para sa project.

✅ 3. Huwag pumayag sa usapang salita lang.
Everything should be written. Dapat may malinaw na contract bago magsimula ang construction.

Kasama dapat dito ang:
• Total project cost
• Materials na gagamitin
• Scope of work
• Start at target completion date
• Payment schedule
• Warranty or repair terms
• Responsibilities ng contractor at client

✅ 4. Check the quotation carefully.
Kapag sobrang baba ng presyo compared sa ibang contractor, magtanong kung bakit.

Baka may hindi kasama tulad ng labor, electrical, plumbing, permits, finishing, o ibang materials.

Ang magandang quotation ay clear at detailed, hindi puro isang total amount lang.

✅ 5. Huwag ibigay agad ang buong bayad.
Mas safe kung ang payment ay naka-base sa progress ng project.

Halimbawa: may payment pagkatapos matapos ang agreed stage ng construction.

Kung hinihingi agad ang halos buong project cost bago pa magsimula, mag-ingat.

✅ 6. Ask who will supervise the project.
Hindi sapat na may workers lang.

Dapat may taong responsible sa quality, schedule, materials, at progress ng construction.

✅ 7. Ask about warranty and after-service.
Ano ang mangyayari kapag may tagas, crack, electrical problem, o ibang issue pagkatapos ng turnover?

Ang maayos na contractor hindi nawawala pagkatapos makuha ang final payment.

✅ 8. Do your own background check.
Search their business name. Check reviews. Ask previous clients. Tingnan kung consistent ang projects nila at kung may totoong customers na willing magbigay ng feedback.

✅ 9. Huwag magmadali dahil lang sa “promo.”
Ang bahay ay malaking investment.

Mas okay nang mag-check nang mabuti ngayon kaysa magsisi kapag milyon na ang nailabas mo.

🚩 RED FLAGS na dapat bantayan:

❌ Walang malinaw na contract
❌ Ayaw magbigay ng business information
❌ Walang maipakitang previous projects
❌ Sobrang baba ng quotation na walang explanation
❌ Malaking advance payment agad ang hinihingi
❌ Pabago-bago ang presyo
❌ Hindi malinaw ang materials na gagamitin
❌ Laging may dahilan kapag humihingi ka ng update
❌ Minamadali kang magbayad
❌ Ayaw ilagay sa sulat ang mga pangako

Remember: Hindi lang magandang bahay ang hinahanap mo.

Ang kailangan mo ay contractor na legit, transparent, marunong, responsable, at hindi ka iiwan sa gitna ng project.

💡 Bago magpagawa, magtanong. Mag-verify. Mag-compare. At huwag basta magtiwala dahil lang mura ang offer.

Ang tamang contractor can save you from stress, delay, extra gastos, at sakit ng ulo. 🏠🔨

📩 Planning to build your dream home? Send us a message para mapag-usapan natin nang maayos ang project mo.

AFFORDABLE CONDO DESIGN IN TANZA CAVITE Hindi kailangan ng malaking bahay para magkaroon ng dream home. 🤍The right light...
18/09/2026

AFFORDABLE CONDO DESIGN IN TANZA CAVITE

Hindi kailangan ng malaking bahay para magkaroon ng dream home. 🤍
The right lighting, colors, and details can completely change the feeling of your space. ✨

Ground Breaking Ceremony at  Fatima Village, Antipolo City!! 🏘️🏘️Another exciting milestone with our valued client!Thank...
17/09/2026

Ground Breaking Ceremony at Fatima Village, Antipolo City!! 🏘️🏘️Another exciting milestone with our valued client!

Thank you for the trust, and cheers to the next phase of this beautiful journey!

🔆👷🏽Let Us Help You Create Your Dream House!

🔴HONEST AND REALTALK COMING FROM A LEGIT CONTRACTOR (Mejo mahaba to pero makakaligtas kayo sa mga budol na contractor)₱1...
12/09/2026

🔴HONEST AND REALTALK COMING FROM A LEGIT CONTRACTOR (Mejo mahaba to pero makakaligtas kayo sa mga budol na contractor)

₱1 MILLION NA BAHAY SA 2026? KAYA PA BA?

OO, KAYA. PERO HUWAG MAGPALOKO SA MGA “₱1M DREAM HOUSE” NA NAKIKITA SA SOCIAL MEDIA. 😅

Real talk: Sa panahon ngayon, ang ₱1,000,000 ay hindi na malaking budget sa construction. Pero kung simple lang ang bahay, maliit ang floor area, walang arte sa design, at kontrolado mo ang gastos — posible pa rin.

Halimbawa, gumawa tayo ng simpleng 32 sqm bungalow.

✅ 2 maliit na bedroom
✅ 1 toilet and bath
✅ maliit na sala
✅ kitchen/dining area
✅ simpleng bubong
✅ basic tiles at pintura

WALANG KASAMANG LUPA.

Ito ang SAMPLE COMPUTATION gamit ang basic 2026 prices:

🧱 PANG-FOUNDATION AT PADER

Cement:
180 bags × ₱300 = ₱54,000

Buhangin:
15 cubic meters × ₱750 = ₱11,250

Gravel:
12 cubic meters × ₱925 = ₱11,100

Hollow blocks:
1,500 pcs × ₱20 = ₱30,000

10mm bakal:
80 pcs × ₱280 = ₱22,400

12mm bakal:
55 pcs × ₱385 = ₱21,175

16mm bakal:
25 pcs × ₱670 = ₱16,750

Tie wire = ₱2,500

Kahoy at plywood para sa hulmahan = ₱35,000

Pako at ibang maliit na gamit = ₱7,000

Subtotal: ₱211,175

🏠 BUBONG

GI roofing sheets:
30 pcs × ₱415 = ₱12,450

Steel trusses at purlins = ₱45,000

Screws, flashing, gutter at ibang gamit = ₱8,000

Subtotal: ₱65,450

🚪 LOOB AT FINISHING

Floor tiles:
35 sqm × ₱380 = ₱13,300

Tile adhesive at grout = ₱8,000

Main door = ₱8,000

3 interior doors:
3 × ₱4,500 = ₱13,500

Aluminum windows:
8 sqm × ₱3,600 = ₱28,800

Ceiling = ₱25,000

Pintura, primer at skim coat = ₱25,000

Subtotal: ₱121,600

🚿 TUBIG AT BANYO

Pipes at plumbing materials = ₱40,000

Toilet, shower, lavatory at fixtures = ₱25,000

Basic septic tank = ₱25,000

Subtotal: ₱90,000

💡 KURYENTE

Wires, outlets, switches, breakers, panel board at basic lights = ₱40,000

🍳 KITCHEN

Basic concrete counter, sink at simpleng cabinet = ₱25,000

🔩 Ibang kulang at maliit na materials = ₱20,000

🔥 TOTAL MATERIALS: humigit-kumulang ₱573,225

Pero teka…

Hindi pa tapos. 😅

👷 Labor ng mason, karpintero, electrician, plumber at helpers = around ₱220,000

📐 Plans, permits at professional fees = around ₱55,000

🚚 Delivery, hauling at tools/equipment = around ₱40,000

⚠️ Extra budget para sa biglang taas ng presyo o kulang na materyales = ₱80,000

ESTIMATED TOTAL:

Materials — ₱573,225
Labor — ₱220,000
Plans/Permits — ₱55,000
Delivery/Equipment — ₱40,000
Extra/Contingency — ₱80,000

💰 TOTAL = ₱968,225

May natira pang:

₱1,000,000 - ₱968,225 = ₱31,775

So…

KAYA BA ANG ₱1 MILLION NA BAHAY SA 2026?

KAYA.

Pero ito ang katotohanan:

❌ Hindi ito 100 sqm.
❌ Hindi ito hotel-style finish.
❌ Walang malaking glass wall.
❌ Walang mamahaling kitchen cabinet.
❌ Walang fancy ceiling.
❌ Walang swimming pool. 😂
❌ Hindi kasama ang lupa.
❌ Hindi kasama ang appliances at furniture.

At kung kukuha ka ng contractor na may sariling overhead at profit, malaki ang chance na lumampas ka na sa ₱1M.

Mas posible ang ₱1M kung owner-managed, simple ang design, marunong kang maghanap ng murang supplier, at hindi pabago-bago ang gusto mo habang ginagawa ang bahay.

Ito ang malaking problema ngayon:

Maraming nagsasabing “₱1M lang ang bahay namin,” pero hindi sinasabi na kanila na ang lupa, may libreng labor, may kamag-anak na engineer, o hindi kasama sa presyo ang ibang gastos.

Kaya bago maniwala sa isang magandang house render na may caption na:

“Build this house for only ₱1 Million!”

Tanungin muna:

👉 Kasama ba ang labor?
👉 Kasama ba ang electrical at plumbing?
👉 Kasama ba ang septic tank?
👉 Kasama ba permits?
👉 Kasama ba pintura at tiles?
👉 Kasama ba contractor profit?
👉 At higit sa lahat…

TOTOO BA ANG ₱1 MILLION O PANG-FACEBOOK LANG? 😅

Sa 2026, puwede pa rin magkaroon ng sariling bahay sa ₱1M.

Pero kailangan maliit, simple, matibay, at higit sa lahat — REALISTIC.

Ikaw, kung may ₱1 MILLION ka ngayon…

OO MAS MAHAL ang may contractor pero less hassel ka at wala ka na gaanong iisipin.

Mas makakatipid ka naman kung sarili mo lahat pero daming isipin at hassel sa pagbili ng mga materyales at labor.

Yan ang REALTALK

IPAPAGAWA MO BA NG BAHAY O IIPUNIN MO PA PARA MAS MALAKI ANG MAPAGAWA? 👇🔥

ANO MASASABI NIYO?

08/09/2026

Mga tamang diskarte para mapabilis ang gawa! Pwedeng pwede mo gawin

05/09/2026

Address

Multinational Avenue Paranaque City
Parañaque
1709

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm

Telephone

+639157223069

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 1976 EAE Corp - Construction service and Engineering company posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to 1976 EAE Corp - Construction service and Engineering company:

Share

Category