21/01/2024
VIVA PIT SEÑOR STO. NIÑO❣️❣️❣️
𝐄𝐍𝐄𝐑𝐎 𝟐𝟏: 𝐊𝐀𝐏𝐈𝐒𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐍𝐓𝐎 𝐍𝐈𝐍̃𝐎 | 𝐖𝐞𝐞𝐤 𝐨𝐟 𝐏𝐫𝐚𝐲𝐞𝐫 𝐟𝐨𝐫 𝐂𝐡𝐫𝐢𝐬𝐭𝐢𝐚𝐧 𝐔𝐧𝐢𝐭𝐲
O, Banal na sanggol,
Diyos na Makapangyarihan at bukal ng mga biyaya,
kami ay naninikluhod sa Iyong harapan.
Buong puso kaming sumasamba at nagsisisi
sa aming mga kasalanan.
Iniaalay namin sa Iyo ang aming sarili.
Itulot Mo na kami ay matulad sa Iyong Kabanalan.
Gawin Mo kaming maamo,
mababa ang loob,
matiisin, malinis,
maunawain sa kapwa
at masunurin sa kalooban Mo.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan Mo,
kasama ng Ama at ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan. Amen!
O, BANAL NA SANGGOL, KAAWAAN MO PO KAMI!
VIVA! PIT SEÑOR! NIÑO JESUS!