25/12/2025
🌟Ngayong PASKO, higit sa lahat ng tagumpay sa negosyo, ang aking puso ay puno ng PASASALAMAT. 🎄✨
Bilang isang INA at LEADER, alam ko na ang tunay na lakas ng ating kumpanya ay wala sa mga dami, kundi sa MALASAKIT natin sa isa’t isa.
Sa aming masisipag na EXPERT AGENTS, kayo ang aming inspirasyon. Sa aming mga BUSINESS PARTNERS, salamat sa tiwala at samahan. At sa ating mga PAMILYA, kayo ang aming pahinga at lakas.
Higit sa lahat, ipinagdiriwang natin ang tunay na dahilan ng ating kagalakan—ang pagsilang ng ating Tagapagligtas, si HESU KRISTO. Ang Kanyang pag-ibig ang nagpapaalala sa atin na ang Pasko ay tungkol sa Kanyang PAGMAMAHAL SA ATIN.
Mula sa FMBH patungo sa inyo, isang Mapagpala at Maligayang Pasko! 🎁🙏❤️