15/10/2021
TINGNAN: Nitong Oktubre 1, 2021, nilagdaan ng Department of Transportation - Philippines at ng Spain-based design consultant IDOM Consulting Engineering, Architecture ang contract of agreement para sa detalye at architectural design ng Metro Rail Transit Line 4 o MRT-4.
Ang MRT-4 ay magkokonekta sa mga siyudad ng Mandaluyong, San Juan, Quezon, Pasig, at mga munisipalidad ng Cainta at Taytay sa lalawigan ng Rizal. Kapag fully operational na ito, magiging 30 minuto na lang ang biyahe mula Metro Manila papuntang Rizal.