14/08/2022
My story behind my starting career in Xurhomes Realty
Sinimulan ko to walang naniniwala sa paligid ko kahit mga mahal ko sa buhay,kahit ako nag doubt sa sarili ko,Iniisip ko kung kaya ko ba to,makakabenta ba ko dito kasi parang napaka impossible talaga kasi million ang binebenta mo eh na dati nasa 3 digits lang ang presyo ng items na binebenta mo ngaun ilan digits na!!
PERO ginawa ko,Nagpray ako humingi ako ng gabay sa Panginoon at nagbakasakali,..yung first attend ko nga ng training nasiraan pako ng shoes both pairs pa ah as in tanggal swelas both,nagaalangan ako tumuloy,buti nalang nasa palengke ako that day and may naitatabi na 100 pesos nakaipit ipit pa sa wallet ko haha,sabi ko Lord,nagdadalawang isip nako kung tutuloy ba ko kasi sign na to oh nasira na shoes ko pero may sagot kang i binigay,kaya ayun bumili ako ng slipper nalang kasi 100 nalang pera ko eh haha.Sign na pala un na magpatuloy ako,Hanggang sa ito n nga!!!inabot nko ng probational period ko dito sa XUR Homes Nakabenta na din hahaha akalain mo un!!
Akala ko hindi ko magagawa but I'm still here standing at naniniwala na YAYAMAN AKO!!Oh pwera usog sa mga kokontra jan!!mga bashersss!! Hahaha!
Wala pa lang impossible sa Panginoon basta magtiwala ka lang at may mas maganda syang plano na nakahanda sayo,higit na maganda kesa sa plano mo sa buhay mo.
Kaya sa lahat ng makakabasa nito!! Habang may buhay may pagasa,minamaliit ka man nang mga taong nasa paligid mo tandaan mo na isa lang yan sa pagsubok sau ng Diyos.Laban lang!! Darating ang araw na yung mga bashers na yan,lalapit sayo at uusigin ang tagumpay mo.Walang impossible sa taong may pangarap !!Dasal lang!!πππ
Sa mga Managers ko na walang sawang paulit ulit ang pag motivate saken sa amin,Maraming salamat po.More benta to us!!
Upnext na ipopost ko abangan nalang natin sa mga bashers ko hahaha stay tune!!π π