25/07/2026
Hindi pwedeng hindi ko ito i-post, Doc Anne! 💙
Sobrang thank you, Doc! Una sa lahat, salamat sa pag-invite sa akin sa iyong special day at company celebration. Napakasaya kong maging bahagi ng napakahalagang okasyon mo. Habang nandoon ako, ramdam ko kung gaano ka ka-genuine at maalaga sa lahat ng tao. Sobrang blessed ako na nakilala kita at naging kaibigan.
Pangalawa, kahit late akong dumating galing duty, umuwi naman akong may dalang maraming gifts! 😄 Nakakatuwa pa dahil parang ako pa ang isa sa mga unang natawag sa raffle. Hindi talaga ako prepared pagpasok ko. Thank you, Doc! Isa na namang patunay kung gaano ako kaswerte na makilala ka. 💙
Gusto ko ring samantalahin ang pagkakataong ito para ipakilala ka sa mga kaibigan at clients ko. Hindi ka lang isang mahusay na doktora, isa kang tunay na mabait, maalaga, at genuine na tao. Kitang-kita at ramdam ko rin kung gaano ka kamahal ng iyong mga clients
Sa mga kaibigan at clients kong naghahanap ng dermatologist na talagang worth it, highly recommended ang 22DC Dermatology & Aesthetics.
Kung nagustuhan ninyo ang serbisyo ko bilang real estate agent na tinuturing kayong kaibigan at inaalagaan kayo, ganoon din si Doc Anne. Sigurado akong aalagaan din niya kayo.
Happy Birthday, Doc Anne! 🎉 Wishing you more blessings, good health, and happiness. Deserve na deserve mo ang lahat ng magagandang bagay sa buhay. 💙
Higit sa lahat. Napakaganda mo. Manikang manika.🤍😊