03/03/2022
ππ
DETALYADONG DISENYO NG BATAAN-CAVITE INTERLINK BRIDGE, 34% COMPLETE NA
Matapos pirmahan ng DPWH ang kontrata noong Oktubre 2020, ibinalita nito na may progreso na ang
detalyadong engineering design works ng Bataan-Cavite Interlink Bridge (BCIB)
Sa unang inter-agency steering committee na ginanap kamakailan, inanunsyo na 34% na ang kumpleto sa disenyo para sa flagship infrastructure project noong Pebrero 2022.
Ang Asian Development Bank (ADB) country director na si Kelly Bird ay muling pinagtibay ang buong pangako ng ADB sa iba't ibang proyekto ng DPWH, kabilang ang BCIB. Nagpahayag siya ng optimismo na ang proyekto ay magiging puspusan na sa lalong madaling panahon.
Binigyang-diin ng gobernador ng Bataan na si Albert Garcia ang kahalagahan ng proyekto, dahil nakatakdang ikonekta ang mga Rehiyon III at IV-A at, sa huli, ang NCRβna kanyang nakikita bilang "tatlo sa pinakamabilis na lumalagong rehiyon sa Pilipinas."
Ang buong BCIB ay nagkakahalaga ng P175.7 bilyon sa pagpapatayo. Ang tulay na may apat na linya ay aabot ng 32.15km. Magsisimula ito sa Barangay Alas-asin sa Mariveles, Bataan, tatawid sa Manila Bay, at magtatapos sa Barangay Timalan sa Naic, Cavite. Kapag natapos na ang tulay, makakapagmaneho na umano ang mga motorista mula Cavite hanggang Bataan sa loob lamang ng 20-30 minuto.
News Source: https://www.topgear.com.ph/news/motoring-news/bataan-cavite-interlink-bridge-march-2022-update-a4354-20220303
Photo Source: DPWH