26/04/2026
Magtatayo ng isang world-class International Tennis Center sa Vermosa ang Ayala Land, Inc. katuwang ang Philippine Tennis Center for Excellence, Inc. (PTCEI), na magsisilbing pangunahing pasilidad ng Philippine Tennis Academy (PTA).
Magkakaroon ito ng walong competition courts, isang center court, at 16 pickleball courts, kasama ang training, wellness facilities, at Athletes’ Quarters para sa 60–80 trainees.
Bubuksan din ang pasilidad sa publiko upang mas mapalawak ang access sa tennis at pickleball, habang inaasahan ding lilikha ito ng mga trabaho at dagdag kabuhayan sa komunidad.
Bahagi ito ng pagpapalakas sa Ayala Vermosa Sports Hub bilang sentro ng training, kompetisyon, at sports development sa bansa.
News source: PNA