24/09/2024
BENEFITS NG NAKABUKOD ANG MAG-ASAWA:
Ang sarap kaya sa pakiramdam, kapag may sarili kayong SPACE.
Upa man o sariling bahay.
Mas mararamdaman mo pagiging maybahay mo at pagiging ina sa mga supling mo.
Kampante ka sa mga kilos mo, kasi hawak mo ang oras mo.
Hindi ka mahihiyang magpahinga at kumain, kasi walang nakabantay. Kahit anong oras mo gustong bumangon, OK lang.
Awkward kasi na parang laging may nakatingin sa mga kilos mo, pero
kung nakabukod kayo, walang makikialam sa inyo.
Mahirap lang talaga sa umpisa, pero mas magaan at masaya ang feeling nang nakabukod. Hindi mo laging iisipin na baka mali iyong magawa mo, kasi nga nakikisuno ka lang.
Kahit medyo mahirap,
mairaraos din 'yan.
Mahalaga panatag ang isip at kalooban.
Mas matututo kayong tumayo sa sariling paa. Mas magiging matibay ang pundasyon ng pamilya n'yo. Kaya mag-ipon na, para makabukod na.
-ctto