02/09/2026
“Kahit iniisip mong kaya mo o iniisip mong hindi mo kaya, tama ka.” — Henry Ford
Ipinapahiwatig nito na malaki ang epekto ng mindset sa resulta ng ginagawa natin.
Kung iniisip mong kaya mo, mas magiging determinado kang kumilos, matuto, at harapin ang mga problema.
Kung iniisip mong hindi mo kaya, maaaring sumuko ka agad kahit may posibilidad ka namang magtagumpay.
Halimbawa sa sales:
Kung sasabihin mo sa sarili mo,
“Hindi ako makakapagbenta ngayong buwan,” maaaring mawalan ka ng motivation na maghanap ng clients.
Pero kung mindset mo ay
“Kaya kong makabenta. Kailangan ko lang magpatuloy,” mas magiging agresibo ka sa prospecting at follow-up.
👉 Simple lesson: Bago ka manalo sa actual na laban, kailangan mo munang maniwala na posible kang manalo.