27/03/2026
๐๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ซ๐๐ง๐ญ๐ฌ ๐๐ง๐ ๐๐๐๐๐ก๐๐ซ๐ฌ ๐๐จ๐ง๐๐๐ซ๐๐ง๐๐ (๐๐๐) ๐๐ญ ๐๐ฐ๐๐ซ๐๐ข๐ง๐ ๐๐๐ซ๐๐ฆ๐จ๐ง๐ฒ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ค๐-๐ ๐ง๐ ๐๐๐ซ๐ค๐๐ก๐๐ง, ๐๐๐จ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ฎ๐ซ๐ฎ๐๐ง ๐๐๐๐โ๐๐๐๐
Noong Miyerkules, ika-25 ng Marso 2026, ginanap ang ika-4 na markahan at huling Parents and Teachers Conference (PTC) para sa taong panuruan 2025โ2026 sa Mother Theresa Colegio de Polangui, Inc. Aktibong dumalo ang mga magulang at tagapangalaga bilang bahagi ng pagtatapos ng taong panuruan, kabilang ang paglalabas ng pinal na marka, pagkilala sa mga natatanging mag-aaral, at paghahanda para sa recognition at graduation.
Pormal na sinimulan ang programa ni Coach James Errol Caigas, isa sa mga coaches ng MTC Polangui na nagsilbing tagapagdaloy ng programa. Pinangunahan ni Coach Anne Coline C. Bergado, isa rin sa coaches ng MTC Polangui ang panalangin, na sinundan naman ng pambungad na mensahe ni Coach James Errol M. Caigas kung saan nagpahayag siya ng pasasalamat sa mga magulang at tagapangalaga sa kanilang patuloy na suporta sa paaralan at sa kanilang mga anak.
Sumunod na nagbigay ng mensahe si Coach Loeis Kay S. Sionico, Teacher-in-Charge ng paaralan. Tinalakay niya ang mahahalagang usapin tulad ng progreso ng mga mag-aaral, mga gawain sa pagtatapos ng taon, at ang nalalapit na recognition at graduation. Inanyayahan din niya ang mga magulang na may anak o kakilalang incoming Grade 7, Grade 8, at Grade 11 na magpa-enroll sa paaralan para sa susunod na taong panuruan.
Isinagawa ang awarding ceremony para sa mga mag-aaral ng Grade 11 at Grade 12. Ipinakilala ng bawat class adviser ang kanilang mga estudyante at kinilala ang mga natatanging mag-aaral mula sa ibaโt ibang strand tulad ng TVL- ICT & HE, Academic- HUMSS, ABM, STEM, at GAS. Iginawad ang Academic Distinction, With Honors, With High Honors, at With Highest Honors, na sinabayan ng picture-taking ng mga awardees bilang pag-alala sa kanilang tagumpay. Ang iba pang parangal ay ipinamahagi sa kani-kanilang classrooms upang maging mas maayos ang daloy ng programa.
Pagkatapos ng programa, nagtungo ang mga magulang at mag-aaral sa kani-kanilang advisory rooms upang kunin ang kanilang mga marka at parangal. Nagtapos ang huling Parents and Teachers Conference (PTC) sa masigabong palakpakan at masasayang ngiti. Isang patunay ng matagumpay at makabuluhang pagtatapos ng taong panuruan 2025โ2026.
๐๐ฟ๐๐ถ๐ธ๐๐น๐ผ ๐ป๐ถ:
โข Melany Reluya / ๐๐ช๐ญ๐ช๐ฑ๐ช๐ฏ๐ฐ ๐๐ฆ๐ธ๐ด ๐๐ณ๐ช๐ต๐ฆ๐ณ & ๐๐ช๐ญ๐ช๐ฑ๐ช๐ฏ๐ฐ ๐๐ณ๐ฐ๐ข๐ฅ๐ค๐ข๐ด๐ต๐ฆ๐ณ
๐๐ถ๐ป๐๐ต๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป ๐ป๐ถ๐ป๐ฎ:
โข Kelly Shyne Moit / ๐๐ฉ๐ฐ๐ต๐ฐ๐ซ๐ฐ๐ถ๐ณ๐ฏ๐ข๐ญ๐ช๐ด๐ต
โข Ryza Villamor / ๐๐ฉ๐ฐ๐ต๐ฐ๐ซ๐ฐ๐ถ๐ณ๐ฏ๐ข๐ญ๐ช๐ด๐ต
๐ง๐ฒ๐บ๐ฝ๐น๐ฎ๐๐ฒ ๐ป๐ถ:
โข Alexa Reonal / ๐๐ญ๐ญ๐ถ๐ด๐ต๐ณ๐ข๐ต๐ฐ๐ณ, ๐๐ณ๐ข๐ฑ๐ฉ๐ช๐ค ๐๐ณ๐ต๐ช๐ด๐ต, ๐๐ฉ๐ฐ๐ต๐ฐ๐ซ๐ฐ๐ถ๐ณ๐ฏ๐ข๐ญ๐ช๐ด๐ต, & ๐๐ข๐บ๐ฐ๐ถ๐ต ๐๐ณ๐ต๐ช๐ด๐ต