03/11/2025
Fantastic๐
Travel goalsโ
More fun at Puerto Princesa City โ
DELIGHTFUL NEWS: DIRECT FLIGHT MULA CEBU TUNGONG EL NIDO, MAGBIBIGAY NG MAS MARAMING OPORTUNIDAD SA PALAWAN
Opisyal nang inilunsad ang direktang flight mula Cebu patungong El Nido simula Oktubre 26, 2025, sa pamamagitan ng โCebgoโ ng Cebu PAcific na nag-aalok ng araw-araw na flight para sa mga pasahero.
Ang pagbubukas ng rutang ito ay inaasahang magdudulot ng malaking pag-unlad sa turismo ng El Nido at Palawan, dahil mas pinadali nito ang pagdating ng mga bisita mula Cebu at iba pang bahagi ng bansa.
Sa paglulunsad ng inaugural flight, binigyang-diin ang kahalagahan ng bagong ruta sa pagsuporta sa lokal na turismo, komunidad, at maliliit na negosyo.
Inaasahan na sa pagdami ng mga turista, tataas din ang demand para sa iba't ibang serbisyo at produkto, na magreresulta sa paglikha ng mas maraming trabaho at oportunidad sa kabuhayan sa El Nido at mga kalapit na lugar sa Palawan tulad ng Puerto Princesa, Coron, at Port Barton.
Sa mas madaling akses ng transportasyon, inaasahang lalago ang industriya ng turismo sa Palawan, na magbibigay ng positibong epekto hindi lamang sa ekonomiya kundi pati na rin sa kalidad ng buhay ng mga lokal na residente.
๐ธ: Cebu Pacific Air