28/09/2025
'ANG KAKAPAL NG MUKHA NIYO'
Iginiit ng komedyanteng si Bayani Agbayani na matagal nang talamak ang korupsyon sa gobyerno.
"Iisa lang ang apelyido niyo, lolo niyo, tatay niyo, kapatid niyo, pinsan niyo— kayo-kayo ang nagnanakaw, mula noon hanggang ngayon sa gobyerno," saad ni Agbayani sa isang Facebook live.
Mainit na isyu ngayon ang maanomalyang flood control projects na umano’y pinagkakitaan ng ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways, kongresista, at senador.
Nakikipagsabwatan sila sa mga contractor para makakuha ng kickback.
Full video sa comments section.