06/12/2025
Kung ang nabili mong lupa ay timberland, ibig sabihin hindi pa ito puwedeng maging private property sa ngayon. Ayon sa batas β lalo na sa Public Land Act (Commonwealth Act No. 141) at sa mga regulasyon ng DENR (Department of Environment and Natural Resources) β ang timberland ay bahagi ng forest land ng gobyerno, kaya hindi ito matitituluhan sa ordinaryong paraan.
Una, i-verify mo muna sa DENR-CENRO kung talagang timberland ang area. Hilingin mo ang Land Classification Map (LC Map) at humingi ng Certification kung ito ba ay under βAlienable and Disposableβ o forest zone pa rin.
Pangalawa, kung timberland nga, hindi pa puwedeng iparehistro sa pangalan mo. Ang puwede mo lang gawin ay:
βοΈ Gumawa ng Request for Reclassification sa DENR kung may plano ang gobyerno na gawing A&D (Alienable and Disposable) area.
βοΈ Pwede ring mag-apply ng Special Land Use Permit o Forest Land Grazing Lease Agreement (FLGLA) depende sa gamit ng lupa (halimbawa: farm, resort, o eco-tourism).
βοΈ Kapag na-reclassified na bilang A&D area, saka pa lang puwedeng mag-file ng Free Patent o Judicial Titling.
Pangatlo, kung binili mo ito sa pamamagitan ng Deed of Sale, tandaan β wala pang full ownership ang seller, dahil hindi pa private land ang timberland. Kaya ang deed mo ay magiging proof of possession lang, hindi pa title.
Puwede kayong kumunsulta sa abugado para sa mas detalyado na payo.