26/08/2020
Negosyo Tips No. 7
βBakit may Mayaman na Patuloy na yumayamanβ
Sa aking paghahanap ng Condo na pwede na agad matirahan at paupahan ay may isang simpleng Negosyante akong nabilhan. Simpleng manamit, simpleng sasakyan, simpleng mga pagkain at simpleng diskarte sa buhay. Ang una kung natanong ay kung paano niya na acquire ang property. Ang simpleng tugon niya ay nabili ko ito nung pre selling pa lang. Magkano niyo po nabili ang property? 1.8 m tapos 5 years to pay. Bakit po ok lang sa inyo na pahulugan ninyo sa akin ng 7 years at hindi na lang ibenta ng cash? Nagulat ako sa sagot niya dahil ang sabi niya: yung downpayment mo sa akin ikukuha ko ulit ng dalawang unit sa Alabang na pre-selling ulit sa murang halaga. Yung monthly payment mo naman ibabayad ko din sa monthly amortization ng dalawang unit ko sa Alabang.
Ganun pala sila magisip, una ang presyo ng unit niya after 5 years ay tumaas na to 3.8 million. Nag down ako sa kanya ng 35% at yung 65% payable to 7 years. Kumuha siya ng dalawang unit at 2.5m and assumptions niya after 5 years magiging 5m na yung cost ng property. Yung 1.8m niya kumita ng 2m sa akin after 5years at magiging 10m after 5 years ulit. Just imagine na in 10 years time yung 1.8m naging 10m na. Tama pala ang sabi ng mga buy and sell ng mga lupa at condo na pag may magandang property ka na nabili ay yayaman ka talaga.
Kaya kung may extrang pera ka sa bank dapat daw mag invest tayo sa properties and not in bank. Dahil yung value ng pera ay mabilis bumaba at maliit lang ang tubo sa banko.
Pero ang tamang investment po ay sa lupa at hindi sa sasakyan ang sabi ng mga experts.
Sa panahon daw po ngayon bihira ang bumibili ng cash kasi ang mga negosyante ay pipiliin na gamitin sa negosyo ang pera at yung kinikita ang panghulog nila.
May trusted friend ako na nag advice sa akin ng kumuha ako ng sasakyan. Ang sabi ko gusto ko ng mataas na downpayment para maliit ang monthly ko. Pero ang sabi niya babaan mo lang ang downpayment mo at invest mo sa akin ang 300k mo at sagot na ng tubo nun ang monthly mo. In 2 years time regularly nababayaran ang hulog dahil sa kita ng investments. At may sobra pang kita na pwedeng pang gas.
Dont be afraid to amortized as long as your business is doing good.
Magtanong kayo sa mga property consultants natin sa magandang mag invest.
May pera sa lupa
May pera sa condo
May pera sa Negosyo
Tara na benta na