25/07/2024
Ang ganda ng tanong na to, napaisip ako.. π€π€π€
Sabi ng mga nagcocomment, mas ok daw na cash daw kasi lugi sa interest ng bank.
So, I tried solving the problem using math π
Ayon sa calculation, mas malaki ang interest from Pag-IBIG MP2 compared sa magiging interest ng banko, provided na same sila ng annual interest rate. ** See comment section for the computation.
Ang maganda kasi kay Pag-IBIG MP2, wala siyang withholding tax, unlike sa mga interest galing sa banks, so yung rate na ibibigay sayo, buong buo mo makukuha yun. Tapos, if hindi mo gagalawin ang interest, at ire-reinvest siya sa MP2, masasama pa yun sa magkakaroon ng interest (Compounding Interest)
Sa loan naman sa bank, kahit same sila ng annual interest, take note na kung ano lang yung natitira sa principal amount na need bayaran, yun lang yung may interest, kaya mas maliit yung total payments sa bank.
Dinagdag ko na rin yung initial Bank Charges na 3% plus yung insurance, di ako sure kung magkano yearly kaya nilagay ko nalang sa 20K per year.
So kung pagbabasehan natin yung computation, mas ok na ilagay sa MP2 ang 2M tapos magloan sa bank para sa pambayad ng property.
Take note lang syempre, na if di ka makabayad sa bank ng on time, may mga additional charges yan, tapos di mo rin mawi-withdraw agad-agad yung nakalagay sa MP2, after 5 years pa.
Make sure, basahin palagi ang terms and condition ng mga pinapasok na contract. π
Hanggang sa muli! π«‘