11/11/2025
Tatlong taon na, Ma pero sa totoo lang, pakiramdam ko minsan nandito ka pa rin. Sa mga tahimik na gabi, sa mga araw na pagod ako at gusto kong umuwi lang sa yakap mo parang naririnig ko pa rin ang boses mo, yung mga paalala mo na huwag akong magpuyat, na kaya ko ‘to, na laging may bukas.
Ang hirap pa rin, Ma. Akala ko habang tumatagal, mas magiging madali. Pero totoo pala na hindi nawawala ang lungkot natututo lang akong mabuhay kasama ito. Natutunan kong ngumiti kahit may kirot, dahil alam kong ayaw mong makita akong nalulungkot palagi.
Ang dami nang nagbago mula nung wala ka, pero isa lang ang hindi nagbago, ang pagmamahal ko sa’yo. Lahat ng narating ko, lahat ng ginagawa ko ngayon, gusto kong ipagmalaki mo sana. Sana proud ka sa’kin, Ma, kasi bawat hakbang ko, dala ko ang pagmamahal at ang mga aral mo lalo na ang wag manglalamang ng kapwa at matutong tumanaw ng utang na loob
Miss na miss kita araw-araw, Ma. Kung puwede lang, isang yakap ulit. Pero hangga’t hindi pa panahon, dadalhin ko muna ang alaala mo sa puso ko, habang buhay. 🕊️🤍