15/08/2026
THE VEIL IS THIN AND THE WANDERING SOULS ARE HUNGRY.
🧙🏻♀️🧹🔮✨🐈⬛🖤💜🤍
FRIENDLY WITCH REMINDER:
📌🧙🏻♀️🪄
☑️MGA DAPAT GAWIN
🪬1, MAG DASAL AT MAGPAKUMBABA
Ugaliing magdasal ng may mapagpakumbabang puso, Pagsumikapan ang pagiging magalang sa mga espiritung gabay sa pamamagitan ng patuloy na pag-aalay.
🪬2, MAG ALAY NG PAGKAIN
Maghain ng mga malinis na pagkain, sariwang prutas, tubig, o tsaa, upang bigyang gabay at kapayapaan ang mga ligaw na espiritu.
🪬3, MAGING MABUTI AT MAAWAIN SA KAPWA
Mas masarap mabuhay ng may busilak na puso at kalmadong isip, Gumawa ng mabuti, umiwas sa alitan.
🪬4, MAG-SUOT NG PROTEKSYON
Mag-ward off ng negatibong enerhiya gamit ang mga
Anting-Anting, Crystals, at mga natural na panangga.
🪬5, LINISIN ANG BAHAY AT
ALAGAAN ANG ALTAR
Sagradong Tahanan, Sagradong Altar,Panatilihing malinis para sa
positibong aura.
🪬6, MAGSINDI NG LANTERN
ILAW O KANDILA
Maglagay ng liwanag sa labas ng bakuran, isang banal na gabay para sa mga ligaw at naglalakbay na espiritu.
🪬7, SUNDIN ANG MGA TRADISYON
Sundan ang mga bakas ng lumang tradisyon. Igalang ang mga ugat at kaugaliang itinanim ng ating mga ninuno.
🪬8, ANG CHANT NG KALIGTASAN
Kapag naramdaman mong nasa panganib ka, ulit-ulitin mo lang bigkasin ang hum, hum, hum.
📌🧙🏻♀️🪄
❌MGA HINDI DAPAT GAWIN
🧿1, HUWAG NA LUMABAS
SA GABI
Iwasan ang paglalakbay sa mga landas na hindi naabot ng liwanag, Yakapin ang silong ng tahanan kapag sumapit na ang dilim.
🧿2, HUWAG HAKBANGAN
ANG PERA, PAPEL AT PAGKAIN INALAY.
Igalang ang daloy ng kasaganaan, Huwag hakbangan ang pera at papel upang hindi mabulabog ang inyong magandang swerte.
🧿3, HUWAG TUMAWAG O SUMIGAW NG
PANGALAN NG TAO SA GABI
Lalo na kung hindi mo alam,
kung sino ang sasagot.
🧿4, HUWAG LUMANGOY
Umiwas muna sa dagat, ilog, lawa o malalim na tubig.
🧿5, HUWAG MAG PAABOT NG DILIM ANG DAMIT
Ito ay pwedeng makaakit ng mga espiritu,
baka may makisukob.
🧿6,HUWAG GAMBALAIN ANG MGA HALAMAN SA DILIM
May mga espiritung nananahan, sa bawat dahon at bulaklak.
🧿7,IWASAN ANG PAGSIPOL
AT PAGKANTA SA GABI
-Pagsipol o (Whistling): Ang tunog ng sipol ay may frequency na tila "tawag" o imbitasyon, Inaakit nito ang mga ligaw at gutom na espiritu (wandering spirits) patungo sayo.
-Pagkanta sa Gabi
(Singing at Night): Ang emosyon at enerhiya ng boses mo ay nagsisilbing beacon o gabay sa dilim, Pwede silang sumabay sayo o sumunod sa pinagmumulan ng boses. at bigyan ng malas dahil nabulahaw mo ang kanilang paglalakbay,
Panatilihing tahimik ang gabi para sa kaligtasan ng buong pamilya.
🧿8,IWASAN ANG PAGTATALO AT INGAY NA PWEDENG MAGDALA NG MABIGAT NA EMOSYON AT ANU MANG PANANAKIT
Huwag maging mitsa ng gulo na pwedeng humatak ng malas o mabigat na sumpa.
Mas mainam na pairalin ang pagpapasensya at pagmamahalan para iwas-malas,
Ang gulo ay nagsisilbi rin pagkain sa mga ligaw na elemento.
Piliin ang kapayapaan, mag-ingat sa bawat bigkas, Manahimik, magmasid, at protektahan ang inyong inner peace.
Keep your wards up and stay safe and positive mga mahal ko.
Blessed be🕯️🌙