20/08/2025
🔮Why think about it?🔮
Sarap pakinggan no?
Pero isipin mo 'to... may business ka...pwedeng ukay, service, o sariling brand. Tapos biglang maririnig mo:
“Ukay lang yan, bakit ang mahal?”
“Ang dali lang ng ginagawa mo, pindot-pindot lang!”
“Ba’t ganyan presyo mo, boss?”
Ramdam mo agad ‘yung kurot. Gusto mong magpaliwanag. Pero minsan isinasantabi mo nalang.
_____________
Pero here’s the truth: 8 out of 10 ng negosyante naririnig ito...at madalas, hindi nila alam paano sasagutin.
Ang hindi nakikita ng tao? Behind every ₱500 na produkto, minsan ₱300+ na agad ang gastos (supplies, logistics, labor, tax, marketing). Ang matitira? Halos kulang sa pagod na ginugol. Halos pampaikot lang talaga ng business.
______________
What customers don’t pay attention to:
- Oras → countless late nights & early mornings
- Pagod → sourcing, marketing, logistics, negotiations
- Skills → years of trial & error, expertise & strategy
Hindi lang produkto ang binabayaran.. binabayaran ang proseso.
______________
Kaya next time someone asks “Bakit ang mahal?”
Instead of saying “Sorry, mahal kasi…”
“Ito ang value na binibigay ko.”
The moment you start lowering your price just to please everyone... It is also the moment you kill your own business.
_______________
Hindi mo kailangang magpaliwanag sa taong hindi mo customer. Ang tamang market, hindi nagrereklamo... they see your value.
So, sa halip na tanungin ang negosyante ng “Bakit mahal?”, subukan mong itanong:
“Ano ang kwento sa likod nito?”
Kasi bawat presyo, may pinagdaanan.
At bawat negosyante, may kwentong hindi mo nakikita.
And that’s the real value. 💯
Kaya kung may kakilala kang nagnenegosyo... suportahan mo. Bumili ka ng walang tawad, walang libre.
At kung di kaya, ikwento mo sila sa iba. Wag na siraan.
That simple act already means the world to them. 🙌