12/01/2026
Sa mga taga CALAOCAN na gustong magpakasal..
Read this👇
📣 MASAYANG ANUNSYO PARA SA LAHAT NG MAGKASINTAHAN NG BAYAN NG SAN AGUSTIN! 💍💖
Lubos na ikinagagalak ng Pamahalaang Bayan ng San Agustin na ipahayag ang gaganaping KASALANG BAYAN 2026 sa darating na Pebrero 20, 2026.
Inaanyayahan namin ang lahat ng magkasintahang nagnanais na pagtibayin ang kanilang pag-iibigan sa harap ng Diyos, pamilya, at komunidad na makilahok sa makabuluhang pagdiriwang na ito ng pagmamahalan at pagkakaisa.
📌 Deadline ng Aplikasyon: Enero 31, 2026
Mangyaring magsumite ng inyong mga kinakailangang dokumento sa itinakdang petsa upang kayo ay maisama sa listahan ng mga ikakasal.
Ang Kasalang Bayan ay patunay ng ating suporta sa pagpapahalaga sa pamilya bilang pundasyon ng isang matatag at maunlad na pamayanan.
Para sa karagdagang detalye, makipag-ugnayan lamang sa Municipal Civil Registrar’s Office.
✨ Sama-sama nating ipagdiwang ang pag-ibig dito sa Bayan ng San Agustin! ✨