17/05/2020
FIRST TIME HOME BUYER KA BA? WALANG IDEA SA PROCESS NG PAG AVAIL NG HOUSE AND LOT? DON'T WORRY, WE GOTCHU 😎
Anu-ano ba ang mga dapat mo malaman bago ka mag sign up sa reservation form at magbayad?
✍️HOUSE CONSTRUCTION STATUS
⏭️ Ito ba ay preselling (2-3 years turnover)
⏭️ Ongoing construction or to build (6 mos to 1 year turnover)
⏭️ Ready for occupancy (3-6 months depende sa proseso ng loan mo sa bank or pagibig at timeline ng pagbabayad mo ng downpayment)
✍️HOUSE TURNOVER
⏭️Alamin mo kung ano ang itsura ng bahay kapag ito ay lilipatan mo na. Bare type unit ba ito or complete na with paint tiles and partition. Alamin mo din kung anu-ano ang mga deliverables na kasama ng unit mo example, built in cabinets, etc.Madalas kasi magkaroon ng misconception ang mag first time buyers dahil ang karaniwang pinapakita kapag tripping ay ang dressed-up model unit na. Maigi ay itanong sa iyong agent at ipakita ang actual turnover ng bahay na iyong inaavail.
✍️TYPE OF UNIT
⏭️ Ang unit na kukuhanin mo ba ay SINGLE ATTACHED, DETACHED, DUPLEX, TOWNHOUSE at kung ito ba ay CORNER, INNER O END UNIT.
✍️LOCATION
⏭️Kailangan alam mo kung saan ang eksaktong pwesto o lugar ng binibili mo o kung saan itatayo ito. Kung mayroon ng nakatayo na bahay ay maaari nyo na ito puntahan, para sa mga to build at preselling naman ay maari kayong pumili ng block and lot sa mapa ng mga available slots nila.
✍️REQUIREMENTS
⏭️Iba-iba ang mga pinapasang requirements depende kung ano ang source of income mo, kung ikaw ba ay locally employed, may business o OFW. Depende rin ito sa type of Financing mo kung ikaw ay mag aavail thru Pagibig, bank or inhouse Financing.
✍️FINANCING
⏭️Meron tayong 3 Financing, PAGIBIG, BANK at INHOUSE Financing. May mga developers na ang available lang sa knila ay Bank at Inhouse, sa iba naman ay Pagibig at Bank. Alamin sa iyong agent kung ano ang financing na pwede sa house and lot na iyong iaavail.
✍️COMPUTATION
⏭️Hingin ang computation sa iyong ahente para sa unit na iyong kukunin. Kung magkano ang reservation fee, monthly equity kung ilang months ito babayaran at monthly amortization sa chosen financing mo. Pati na rin ang date ng pagbabayad mo.
✍️FEES
⏭️Alaming mabuti kung may mga extra pang babayaran bukod sa reservation at downpayment. Kung meron bang MOVE-IN fees at kung anu ano ang included dito. Alamin din kung ang processing fee ay kasama na sa Total Contract Price o kung separate ba ito babayaran, pati na din ang insurance para sa bahay mo.
✍️MODE OF PAYMENT
⏭️Iwasan po natin malako. Itanong maigi sa developer kung saan ka pwede magbayad ng iyong downpayment, kung over the counter ba or kung pwede ang bank deposit and transfer.
YAN ANG ILANG TIPS NA KELANGAN MO ITAKE DOWN NOTE BAGO KA MAG SIGN UP 😍😍😍 PARA SA KARAGDAGANG KATANUNGAN. PM MO LANG AKO 🥰 KUNG READY KA NA, TARA IRESERVE NA NATIN ANG UNIT MO 💪♥️