24/04/2026
𝗠𝗔𝗛𝗜𝗚𝗣𝗜𝗧 𝗡𝗔 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗪𝗔𝗟 𝗔𝗡𝗚 𝗢𝗣𝗘𝗡 𝗕𝗨𝗥𝗡𝗜𝗡𝗚 🚫🔥
Ipinapaalala sa publiko na mahigpit na ipinagbabawal ang pagsusunog ng dahon, basura, at iba pang materyales sa buong bayan ng Floridablanca.
Ito ay alinsunod sa mga sumusunod na batas at ordinansa:
✅ Republic Act No. 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000
✅ Republic Act No. 8749 o Philippine Clean Air Act of 1999
✅ Municipal Ordinance No. 65 s. of 2020 o "Environmental Code of Floridablanca"
Ang hakbang na ito ay isinasagawa upang mapangalagaan ang ating kalikasan, kalusugan, at kaligtasan laban sa polusyon at posibleng sunog.
𝗞𝗔𝗨𝗞𝗨𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗥𝗨𝗦𝗔:
💰 Multa: ₱1,000 – ₱2,000
⚖️ Pagkakulong: 1 hanggang 15 araw
🤝 Community Service: 15 araw
Hinihikayat po namin ang lahat na sumunod at makipagtulungan para sa malinis at ligtas na komunidad.
Kung may makitang open burning maaaring makipag ugnayan sa MENRO Floridablanca at Bureau of Fire Protection Central Luzon
"𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆-𝐈𝐖𝐀𝐒 𝐒𝐀 𝐒𝐔𝐍𝐎𝐆, 𝐇𝐈𝐍𝐃𝐈 𝐊𝐀 𝐍𝐀𝐆-𝐈𝐈𝐒𝐀"
𝐼𝑛 𝑐𝑎𝑠𝑒 𝑜𝑓 𝑓𝑖𝑟𝑒 𝑎𝑛𝑑 𝑜𝑡ℎ𝑒𝑟 𝑒𝑚𝑒𝑟𝑔𝑒𝑛𝑐𝑖𝑒𝑠, please call:
☎️ 911
📱0946-923-4836/0975-702-3375
BFP R3 Floridablanca Fire Station Pampanga
Menro Floridablanca Mrf