09/08/2026
๐จ FIRST-TIME BUYER KA? ITO ANG UNANG DAPAT MONG I-CHECK SA LAND TITLE!
Maraming buyers ang unang tinitingnan ang presyo.
Pero ang mas mahalagang tingnan ay ang titulo ng property.
Bago ka magbigay ng reservation fee o down payment, siguraduhing na-check mo ang mga ito:
โ
1. Registered Owner
Pareho ba ang pangalan sa title at sa valid ID ng nagbebenta? Kung hindi siya ang registered owner, alamin kung ano ang legal authority niya para ibenta ang property.
โ
2. Title Number
I-verify kung tugma ang title number sa Certified True Copy mula sa Registry of Deeds.
โ
3. Lot Area
Pareho ba ang sukat ng lupa sa Title, Tax Declaration, at actual na property?
โ
4. Technical Description
Tugma ba ang lokasyon at boundaries ng lupa? Kung may alinlangan, magpa-relocation survey sa isang licensed geodetic engineer.
โ
5. Annotations (Pinakamahalagang Bahagi)
Basahin ang likod ng titulo at tingnan kung may:
โ Mortgage
โ Adverse Claim
โ Notice of Lis Pendens
โ Levy on Ex*****on
โ Court Order
โ Easement o iba pang encumbrances
Hindi lahat ng annotation ay nangangahulugang hindi na puwedeng bilhin ang property, pero mahalagang maintindihan muna ang epekto nito bago magdesisyon.
โ
6. Previous Title Reference
Makakatulong ito upang ma-trace ang history ng property kung kinakailangan.
โ
7. Certified True Copy
Huwag umasa sa photocopy lamang. Humingi ng pinakabagong Certified True Copy mula sa Registry of Deeds para ma-verify ang kasalukuyang status ng titulo.
๐ก PRO TIP
Hindi sapat na may titulo lang ang property.
Ihambing din ito sa:
โ๏ธ Tax Declaration
โ๏ธ Updated Real Property Tax Receipts
โ๏ธ Approved Survey Plan o Lot Plan
โ๏ธ Actual na lokasyon at kondisyon ng property
๐ฌ Mas mabuting gumastos sa tamang due diligence kaysa gumastos sa kaso o problema sa hinaharap.
Hindi lahat ng may titulo ay awtomatikong ligtas bilhin.
Thinking of buying your first property? Make sure you verify everything before signing any documents.