16/07/2026
KAUNA-UNAHANG “AIRPORT CITY” SA PH, ILULUNSAD SA CLARK
Magkakaroon na ng kauna-unahang world-class “airport city” sa bansa na tatawaging Clark AeroDistrict. Itinatag ito ng Luzon International Premiere Airport Development (LIPAD) Corp. bilang isang integrated hub para sa aviation, logistics, at iba pang komersyal na industriya.
Ayon kay LIPAD President & CEO Noel Manankil, idinisenyo ang Clark AeroDistrict upang palakasin ang papel ng paliparan sa pagpapasigla ng ekonomiya. Layunin nitong pagsama-samahin ang iba’t ibang industriya sa isang sentralisadong lokasyon upang mapabilis ang operasyon ng mga kargamento at mas mapadali ang kalakalan sa bansa. | via Bianca Arceo, CLTV36 News intern