30/10/2025
PABATID SA PUBLIKO
Bilang bahagi ng kampanya ng Pamahalaang Lungsod laban sa Influenza-like Illnesses at bilang pag-iingat sa posibleng epekto ng pinangangambahang lindol, ipinatutupad ang maikling oras ng pagbisita sa mga sementeryo sa Lungsod ng San Jose del Monte, ngayong Undas mula ๐ข๐ฐ๐๐ผ๐ฏ๐ฒ๐ฟ ๐ฏ๐ญ ๐ต๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ฎ๐ป๐ด ๐ก๐ผ๐๐ฒ๐บ๐ฏ๐ฒ๐ฟ ๐ฎ (๐ฒ๐๐ - ๐ต๐ฃ๐ ).
Base yan sa rekomendasyon ng mga miyembro ng Oplan Undas 2025 na naglalayong masiguro ang kaligtasan at kalusugan ng bawat mamamayan habang ginugunita ang ating mga mahal sa buhay.
Pinapayuhan ang publiko na:
โข Magtungo sa sementeryo nang maaga at panandalian lamang;
โข Iwasan ang matataong oras;
โข Magsuot ng face mask. Suriin ang sariling kalusugan bago lumabas at kung nakakaramdam ng sintomas ng ubo at sipon, manatili muna sa bahay at magpagaling upang makaiwas sa pagkalat ng sakit.
โข Sumunod sa mga tagubilin ng mga safety at emergency personnel.
Ang paggunita ay hindi nasusukat sa tagal ng oras, kundi sa taimtim na dasal at pag-alala. Maging responsableng San Joseรฑo at gawing makabuluhan ang paggunita sa Undas 2025 nang may disiplina, malasakit, at pag-iingat.
ARya San Joseรฑo!