03/08/2026
𝗔𝗗𝗩𝗜𝗦𝗢𝗥𝗬 | 𝗣𝗔𝗡𝗦𝗔𝗠𝗔𝗡𝗧𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗥𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗧𝗨𝗕𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗔𝗧 𝗦𝗨𝗦𝗣𝗘𝗡𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗔𝗞𝗧𝗜𝗕𝗜𝗗𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗧𝗨𝗕𝗜𝗚
Bilang pag-iingat at upang matiyak ang kaligtasan ng bawat Juan, pansamantalang isinasara ang lahat ng anyong-tubig sa Bayan ng San Juan kabilang ang mga dalampasigan, ilog, talon, palaisdaan, imbakan ng tubig at iba pang kahalintulad na lugar. Kasabay nito, suspendido rin ang lahat ng water-related activities simula Agosto 4, 2026 hanggang sa susunod na abiso.
Hinihikayat ang lahat na makiisa at sumunod sa ipinatutupad na hakbang para sa kaligtasan ng bawat isa, lalo na sa gitna ng hindi magandang lagay ng panahon.
Mag-ingat at manatiling ligtas, everyJUAN!