28/07/2025
📍 Baka nahulog na localization lang ginawa sa Relocation Survey? Ingat!
[Disclaimer: hindi pa clear ang reason bakit may mali ang relocation survey na nagawa sa property ni sir The Off Duty Accountant, this is base on my opinion and personal experience only, peaceyow]
May mga relocation survey for titled/untitled property na localization lang ang basehan — mga existing muhon sa lupa mismo, pero walang major reference points o connection sa mother BLLM.
Kahit licensed ang GE, kung walang proper tie sa mother BLLM at verified stable muhon [3+] sa paligid [adjacent lots or landmarks-school, simbahan etc.], malaki ang chance na mali ang position ng lupa. May mga kaso pa nga na hangang 20 meters!
👉 Tamang practice:
Dapat laging naka-reference sa mother BLLM at stable na mga muhon — hindi lang sa kung anong nakikita sa lupa.
📌 Paalala sa kapwa GE:
Huwag kampante sa localization lang.
Laging tirahin ang major BLLM points para sigurado ang resulta.
📍 Para hindi masayang ang bayad, panahon, at tiwala — piliin ang tumpak, hindi tantya.
Yun lang, salamat 🫶🏻☺️ - Engr. Hanah
Palpak na relocation survey. Disappointed, and nainis din, pero hindi ako para manisi pa, kelangan ko ng corrective action.
Alright, basically, mali ang relocation survey ng nabili kong lupa, palpak si surveyor. And basically, yung bakod na pinaghirapan namin? Ayun, mali rin lahat. Pano ko nalaman at nadiscover? Anong ginawang action? May full video ako soon para dito.
Pero for the mean time, ang kelangan ko ay THIRD opinion ng relocation survey. Sariaya, Quezon ang location ko. Yung advance na aparato sana ang gamit and kaya mag schedule ngayong August 2, 2025, Saturday. Yung confident na haharap din sa vlog ko dahil confident sila na tama ang gagawin nila.
Message nyo ko.