π’π’„π’‰π’šπ’π’˜π’“π’Šπ’•π’†π’”π’‚π’ˆπ’‚π’Šπ’

  • Home
  • Philippines
  • San Miguel
  • π’π’„π’‰π’šπ’π’˜π’“π’Šπ’•π’†π’”π’‚π’ˆπ’‚π’Šπ’

π’π’„π’‰π’šπ’π’˜π’“π’Šπ’•π’†π’”π’‚π’ˆπ’‚π’Šπ’ ubos na ang tinta, punit na ang pahina, lilisan na ang pahinga.

01/11/2025

"Pagbabago"

sa bawat hakbang na papalayo,
kay hirap tukuyin ng direksyon kung saan ka patungo
marahil hindi na kayang lumiko,
pabalik sa dating tagpuan na nakakalito.
ito na nga ba ang pagbabago?

nakakapanibago,
parang noon hindi tayo sanay sa ganito,
tila naglaho ang pagmamahal na 'yong binabato.
hindi batid kung paano,
kaya't kailangan ko manatili sa delikado.

hindi ko man maintindihan ang motibo,
bagkus mananalamin at ilalaban hanggang dulo,
hahawakan ang kamay ng 'yong anino,
alam ko na darating ang araw na maiisipan mong bumalik dito.

hanapin ang daan pauwi sa tahanan mo,
inaantay ko ang pag uwi mo.

βœ’οΈ: ochynwritesagain

29/10/2025

"Paglaban"

lumingon kang muli,
ihakbang ang paa pabalik kahit sandali.
hawakan ang kamay koβ€” na pasmado na sa pagkubli.
hanapin mo ako sa dilimβ€” yakapin mo ako hanggang sa huli.

kung babalikan ang mga larawan,
ikaw lang ang lumisan sa bawat pagitan.
ikaw ang humanap ng sariling lungga kung saan,
ang tayoβ€” ay magkalaban.

tila naglaho ang mga pangako,
nawalan ng saysay ang ikaw at ako.
unti unting nag iiba ang bawat trato,
mas mangingibabaw ang tampo.

hindi ninais na mawala,
ngunit napagod ka ng kusa,
gusto mong makalayaβ€” kumawala,
walang kasiguraduhan ngunit ako'y umaasa.

hindi ko man alam ang iyong direksyon kung saan ka pupunta,
ngunit sa pagkakaintindi koβ€” isa lang ang mahalaga.
ang makauwi ka sa tahanan nating dalawa,
at makapiling kaβ€” marating man ang huling hininga.

βœ’: π’π’„π’‰π’šπ’π’˜π’“π’Šπ’•π’†π’”π’‚π’ˆπ’‚π’Šπ’

24/10/2025

"Maaari ba?"

maaari bang bumalik sa umpisa,
doon sa gabi na kay saya,
kung saan ang ngiti mo’y sagana,
at ako’y payapa na iyong kasama.

maaari bang muli kang dumaan,
sa daang dati nating tahanan,
kung saan bawat hakbang ay sayaw,
at ang oras ay ayaw gumalaw.

maaari bang muli kang humawak,
sa mga palad kong nanlalamig sa paglapit,
dahil kahit di mo sabihin ng tuwid,
ang puso ko’y sa’yo pa rin kumakapit.

maaari bang ibalik ang simula,
bago tayo natutong mangamba,
bago pa natin iniwas ang mata,
at tinawag na β€œtama” ang mawala.

maaari bang kahit saglit lang,
mabalikan ang ating larawang nagkulay halakhak,
bago nagdilim ang bawat tanaw,
at ako na lang ang naiwanβ€” sa pangarap na ikaw.

βœ’: π’π’„π’‰π’šπ’π’˜π’“π’Šπ’•π’†π’”π’‚π’ˆπ’‚π’Šπ’

24/10/2025

"Naliligaw"

hindi ko batid kung bakit nais mong lumisan,
hindi man pagtakpan ang nararamdaman,
ngunit batid koβ€” na hindi na kayang pigilan.

bawat araw na pakikipag laban,
ramdam ang halong pilit at kadismayahan.
marahil napapagod ka lamang,
kaya't nais ko ituro ang daan.

pabalik sa kung saan,
pabalik sa kung kailan,
unang nagkagustuhan.
hindi lang dito ang katapusan,
hindi lang ikawβ€” ang mag isang lalaban.

mapanatag sa mga liko likong daan,
mga ala-ala at saya noonβ€” ay iyong sundan.
aantayin kita sa dulo ng kawalan,
at kung mapagod ka sa paglalakbay ng iyong patutunguhan,
tawagin mo ako, handa kitang samahan.

βœ’: π’π’„π’‰π’šπ’π’˜π’“π’Šπ’•π’†π’”π’‚π’ˆπ’‚π’Šπ’

24/10/2025

"Kapag Nandito Ka"

kapag nandito ka, kalmado ako,
parang hangin sa dapithapon, marahan lang ang ihip nito.
ang sitwasyon kong dati, laging magulo,
natutong manahimik sa bawat titig mo.

kapag nandito ka, parang ang mundo,
biglang nagiging payapa, tahimik, totoo,
ang mga sugat na dati kong tinago,
unti-unting naghihilom sa haplos mo.

hindi batid kung anong meron sa’yo,
tila kapag malapit ka, tahimik ang gulo,
bakit kapag ngumiti ka lang ng totoo,
parang kaya kong magsimula ulit dito.

kaya huwag kang mawawala, pakiusap ko,
baka sa pag-alis mo, bumalik ang gulo.
baka sa pagkawala mo, hindi ko makaya ng buo.
baka tuwing ang araw ay mababago,
mawala ang kalma na dulot mo,
at pumalit ang bagyo.

βœ’: π’π’„π’‰π’šπ’π’˜π’“π’Šπ’•π’†π’”π’‚π’ˆπ’‚π’Šπ’

"Bawat Huni"βœ’: π’π’„π’‰π’šπ’π’˜π’“π’Šπ’•π’†π’”π’‚π’ˆπ’‚π’Šπ’
24/10/2025

"Bawat Huni"

βœ’: π’π’„π’‰π’šπ’π’˜π’“π’Šπ’•π’†π’”π’‚π’ˆπ’‚π’Šπ’

23/10/2025

"Tinta’t Alaala"

unang pahina, doon kita nakita,
sa pagitan ng ingay, katahimikan kita,
isang sulyap lang, parang panata,
na sa puso ko, may magsisimula.

ang tinta ng ngiti mo, dumikit sa isip,
bawat titig, may lihim na panaginip,
hindi ko sinulat, pero ako’y nabihag,
ng mga salitang di pa nasasabi, ngunit ramdam agad.

sumunod na pahina, nagtagpo ang kwento,
mga simpleng usap, biglang naging tula ito,
bawat tawa, parang tugma ng tadhana,
bawat katahimikan, may sinisigaw na β€œsana.”

ngunit sa huling pahina, ako’y naiwan,
ikaw nama’y tuloy sa bagong kabanata naman,
at kahit tuyot na ang tinta ng pag-asa,
ikaw pa rin ang titik na di ko mabura.

βœ’: π’π’„π’‰π’šπ’π’˜π’“π’Šπ’•π’†π’”π’‚π’ˆπ’‚π’Šπ’

Address

San Miguel
3011

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when π’π’„π’‰π’šπ’π’˜π’“π’Šπ’•π’†π’”π’‚π’ˆπ’‚π’Šπ’ posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category