25/04/2024
PAALALA SA MGA LALAKI AT MGA BABAENG NANGANGALUNYA SA KANILANG ASAWA.
Ang pangangalunya ay ang pagkakaroon ng ibang relasyon o pakikipagtalik maliban sa kanyang asawa o kaya'y humiwalay sa asawa para lang sumama sa iba.
MAGING TAPAT SA ASAWA
Exodus 20:14
“Huwag kang mangangalunya.
adul·​tery (MWDictionary)
plural adul​ter​ies
Definition
: voluntary sexual in*******se between a married person and someone other than that person's current spouse or partner
Ayon sa survey, ang may pinakamaraming kaso ng hiwalay sa asawa ay mga OFW dahil nagkakaroon na sila ng miscommunication, lock of attention, maging ang pangangailangan sa isat isa, nanawalan ng spark.
Ano ang sinasabi ng Biblia sa ganitong uri ng gawain h pangangalunya o adultery
Exodo 20:14 Huwag kang mangangalunya.
(kasama sa 10 utos a permanent)
Kawikaan 6:32-33
Ang mag isip mangalunya ay isang taong mangmang
Sinisira ang sarili, buhay at pangalan.
33 Ang tangi niyang mahihita ay pahirap sa sarili
Di na mababawi ang kanyang pagkaduhagi. (kahihiyan)
Malakias 2:16
“Nasusuklam ako sa pagpapalayas at paghihiwalay ng mga mag-asawa,” sabi ni Yahweh, ang Diyos ng Israel. “Napopoot ako sa taong gumagawa ng kalupitan sa kanyang asawa. Kaya nga maging tapat kayo sa inyong asawa.”
I Corinto 6:9-10
Hindi ba ninyo alam na ang mga makasalanan ay ay walang bahagi sa kaharian ng Diyos.
? Huwag ninyong dayain ang inyong sarili! Ang mga nakikiapid, sumasamba sa diyus-diyosan, nangangalunya, nakikipagtalik sa kapwa lalaki o kapwa babae, 10nagnanakaw, sakim, naglalasing, nanlalait ng kapwa, o nandaraya, ay walang bahagi sa kaharian ng Diyos.
Galacia 5:19-21
Hindi maikakaila ang mga hilig ng laman: pakikiapid, kahalayan at kalaswaan; 20pagsamba sa diyus-diyosan, pangkukulam, pagkapoot sa isa't isa, pag-aaway-away, pagseselos, pagkakagalit at kasakiman, pagkakampi-kampi at pagkakabaha-bahagi, 21pagkainggit, paglalasing, kalayawan, at iba pang katulad nito.
Muli kon kayong binabalaan: ang gumagawa ng mga ito'ay hindi magkakaroon ng bahagi sa kaharian ng Diyos.
Ayon sa mga talata ang pangangalunya ay:
ipinagbabawal
kasuklam suklam
kamangmangan
sinisira ang buhay/ pangalan
pahirap sa sarili
kahihiyan
walang bahagi o karapatan sa kaharian ng Diyos
Kaya bago natin pasukin ang isang maruming relasyon, pag-isipan muna kung ano ang ibubunga nito sa buhay natin, higit sa anumang parusang igagawad ng Diyos.