17/05/2020
San Pedro...
Narito po ang mga nakapaloob sa Executive No. 14 na guidelines ng Modified Enhanced Community Quarantine sa ating lungsod na na-aayon sa patakaran at panukala ng Inter-Agency Task Force (AITF). Ito po ay magsisimula bukas, Mayo 16 hanggang Mayo 31.
1. Maaari lamang po tayong lumabas tuwing 5:00 AM hanggang 3:00 PM para bumili ng ating mga pangangailangan sa palengke, grocery stores, botika, banko at pera padala remittance center.
2. Susundin pa rin po natin ang araw ng paglabas ng inyong barangay.
3. Isang tao pa rin po kada pamilya ang maaaring lumabas para makabili ng kanilang mga pangangailangan. Kinakailangan pa rin pong dalhin ang inyong Quarantine Pass at ID para sa beripikasyon.
4. Papayagan na po ang mga maliliit na pagtitipon at religious activites, basta kung hindi lalagpas sa LIMA ang mga kasama/kasali dito.
5. Sarado pa rin ang mga pampubliko at pribadong paaralan sa lahat ng antas.
6. Suspendido pa rin po ang mga mass public transportation tulad ng Bus, Jeepney at Tricycle.
a) Maaari lamang pong payagan ang mga Private Shuttle para sa mga empleyado ng mga pribadong kompanya basta siguraduhin lang na hindi lalampas sa 50% ang sakay nito sa normal na kapasidad.
b) Private Vehicles basta 2 tao lamang po ang pwedeng sumakay kada row ng upuan.
c) Ipinagbabawal pa rin po ang angkas sa mga motorsiklo.
7. Hindi pa rin po maaring magbukas ang ilang pribadong negosyo tulad ng barbershop, salon, gyms, fitness, studios and sports facilities, entertainment industries tulad ng sinehan, karaoke bars, kid amusement industries, library, resorts, travel agencies, tour operators, reservation service, massage parlors, sauna, facial care at mga establisimento tulad ng mga nabanggit.
Patuloy po ang ating pakiusap sa ating mga mamamayan na manatili lamang po sa kani-kanilang mga bahay. Ipag-patuloy po ang social distancing at wag pong kakalimutang mag suot ng face mask.
Taos-puso po ang aking pasasalamat sa inyong lahat. Kayang kaya po natin labanan ang COVID-19.
We Fight as One, We Heal as One!
Isang Ligtas at Magandang San Pedro po!