04/10/2026
Hindi ibig sabihin na kapag kumuha ka ng housing loan, kailangan mong bayaran ito nang buong 30 years.
Marami ang nagdadalawang-isip kumuha ng bahay dahil sa haba ng loan term.
30 years.
Parang sobrang habang commitment, di ba?
Pero ang hindi alam ng iba, ang 30 years ay maximum option lang. Hindi ibig sabihin na kailangan mong hintayin ang buong 30 years bago matapos ang loan.
Mahabang term = mas mababang monthly amortization.
Kaya mas madaling pasok sa budget.
Pero tandaan:
Mas mahaba ang loan, mas malaki rin ang kabuuang interest na mababayaran mo.
Kaya hindi sapat na itanong:
“Magkano ang monthly?”
Mas magandang itanong:
“Magkano lahat ang ilalabas ko hanggang matapos ang loan?”
Dahil kapag pinili mong bayaran hanggang 30 years, maaaring mas malaki ang total interest kumpara sa mas maikling payment period.
Kaya ang ibang smart property buyers, hindi lang sila basta sumusunod sa original loan term.
Ginagawa nilang strategy ang pagbabayad.
Kapag may extra income, nagdadagdag sila sa payment.
Kapag tumaas ang income, ina-adjust nila ang kanilang payment strategy.
At kung possible, pinapakinabangan nila ang property para magkaroon ng additional source of income.
Ang goal?
Hindi habang-buhay na may housing loan.
Ang goal ay matapos ito nang mas maaga at mas kontrolado ang total cost.
Kaya kung naghahanap ka ng ABOT-KAYANG BAHAY sa panahon ngayon, baka ito na ang para sa’yo! 🏡
✨ PRIMEWORLD ENCLAVE ✨
Sa halagang ₱7,000 reservation fee at ₱8,000+ monthly down payment, puwede ka nang magsimula sa pagkuha ng sarili mong property.
Huwag puro pangarap—simulan nang gawing realidad ang pagkakaroon ng sariling bahay. ❤️
Message me para sa details, sample computation, at available units.