23/09/2022
STEP BY STEP SA TAMANG PAG-TINGIN NG CLEAN TITLE SA TRANSFER CERTIFICATE OF TITLE.
STEP 1 - Kapag may gusto kang bilhin hulugan o cash na lupain. Hingan ng TCT ang Seller/Nagbebenta. (Kapag ayaw ipakita o to be follow wag mag bigay agad ng Pera. Mahirap kitain ang Daang Libong Pera.)
STEP 2 - Kapag binigyan ka kopya ng TCT punta ka naman ngayon sa Register of Deeds at ipa-verify ang TCT na iniaalok sayo. Sa RD makikita lahat ng mga nairehistrong TCT
-Ano ang Trabaho ng Register of Deeds?
Trabaho nila mag-sertipika ng mga Kopya ng mga TRANSFER CERTFICATE OF TITLE. Patunay na naka rehistro sa kanila ang Uri ng TCT na nais mong Bilhin. Ito man ay Peke o Hindi ang TCT.
Hindi Trabaho ng Register of Deeds ang magpakita ng Clean Title ang Transfer Certificate of Title.
STEP 3 - Kapag merong Numerals sa Ilalim ng TCT sa Date of Registration na (OCT NO. / RECORD NO. / DECREE NO.) Ilista ito sa Notepad at Gumawa ng Request Letter para inilistang numerals sa notepad sa LRA MAIN OFFICE.
STEP 4 - Pumunta sa LRA MAIN OFFICE at Ibigay ang Request Letter. Nakapaloob ang kahilingang makakuha ng Certification ng (OCT NO. / RECORD NO. / DECREE NO.) naka attached ang xerox copy ng TCT na pinaglistahan ng numerals.
STEP 5 - Antayin Ma-Release ang CERTIFICATION ng LRA MAIN OFFICE patungkol sa Numerals. Kapag nai-Release na ang Certificatation punta na sa STEP 6.
STEP 6 - may mga pangalan kung sino ang owner sa OCT NO. / RECORD NO. / DECREE NO. Kapag magkaiba ang Lugar at Pangalan ng Decree No. At OCT NO. Ang Transfer Certificafe of Title ay Peke o walang pinagmulan o gawang Recto lamang. Wag na bilhin. Tingnan ang PD 1529 Section 39
STEP 7 - Ilista ang PSU Approve plan makikita ito sa ibaba ng TCT NO. Tulad ng EXAMPLE (PSU-377-8003-2) at magpunta sa BUREAU OF LAND nakakasakop ng Lupang iniiaalok. At humingi ng Certification ng Approve Plan.
Kapag mali ang sukat ng lote at mali technical description ng Approved Plan at hindi naka Tie-point sa Binondo Church ang Approved Plan. Ito ay Maling Sukat.. tingnan ang PD 1143 original.
STEP 8 - Kapag Hindi tumutugma lahat ng mga numerals naka-indicate sa TCT iniaalok sayo ibig sabihin gusto nilang Bilhin mo ang walang kwenta nilang papel n wala palang kalupaan. O gawa gawa lang. Ikaw ay sinusubukang ma sindikato.